Breaking News

Hari ng Kalsada: Ang Pinoy Jeepney

Article contributed by Pael Balbaboco of First Asia Institute of Technology and Humanities

Sa libro ni Bob Ong na Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?, nabanggit niya na ang jeep nating mga Pilipino ang isa sa mga natitira nating tunay na simbolismo. Sabi pa niya, kapag sumakay ka daw ng jeep, hindi ka lang sumasakay sa isang sasakyang panlupa na naghahatid sa mga pasahero sa mga destinasyon nila, ngunit sumasakay din tayo sa isang kultura – ang kultura nating mga Pilipino.

Ngunit ang jeep ay hindi naman talaga nagmula sa Pilipinas. Ito ay unang ginawa noong World War II bilang military jeepneys ng mga Amerikano at dito nila iniwan ang mga ito sa Pilipinas. Simula noong 1945 hanggang ngayon, nakilala ang jeepney sa Pilipinas bilang isang pambansang simbolo – may makulay na palamuti at siksikang mga pasahero.

Ang salitang jeepney ay pinagsamang “jeep” at “Jitney” (isang uri ng taxi na pinagsasaluhandin ng maraming pasahero). Sa Pilipinas, Sarao ang pinakasumikat na jeep manufacturer hanggang sa nasundan na lamang ito ng ilan pang gumagawa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Kilalang-kilala ang jeep bilang isa sa mga pinakasikat na modes of transportation sa ating bansa. Kadalasan, dalawang tao ang nasa unahan ng jeep – ang driver at ang kundoktor. Ang kundoktor ang bahala sa pagkolekta ng bayad, ngunit kung wala ang kundoktor, ang mga pasahero mismo ang nagpapasa-pasahan ng mga bayad hanggang sa makarating ito ni Manong Driver. Sa tuwing hihinto naman ang isang jeep sa mga terminal, merong barker o dispatcher na tumutulong sa driver para mapuno ang kanyang sasakyan. Isisigaw ng barker ang destinasyon ng byahe, kung ilan na lang ang kulang at kung minsan, kahit siksikan na at wala nang magkakasya, sisigaw pa rin ang barker na pwede pa ang dalawa.

Para naman makababa, kailangang pumara ng mga pasahero. Yan ang kalimitang kultura. Sisigaw ka ng “Para!” para tumigil ang jeep at para makababa ka. Sabi nga ng mga barker, “Ang katok, sa pinto. Sa sutsot, sa aso. At ang para, sa tao.”

Tinatawag din ang jeep na fierra ngunit hindi ito masyadong ginagamit dito sa Pilipinas. Nakilala ang tawag ditong fierra sa isang lumang Pinoy na kantang Ang Fierra ni Juan ay may Butas sa Gulong. Ang jeep ay nakarating na rin sa ibang bahagi ng Africa bilang public mode of transportation.

Ilang linggo na ang nakakaraan, ang BBC TV show na Toughest Place to Be a Bus Driver ay nagpunta sa Pilipinas upang pasubukan sa isang London coach/bus driver ang pagmamaneho ng Pinoy jeep.

Ganyan ang Philippine jeepney, maraming naihahatid, malayo ang nararating, at tatak na sariling atin.

Photo Credit: freewebs.com

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Mt. Batulao at Nasugbu, Batangas

Owing to the exposed nature of Batangas’ friendly mountain trails and summits, Mt. Batulao, situated …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.