Home / Features / Dyosa Pockoh: Ang Dyosang Batangueña mula sa Lemery, Batangas

Dyosa Pockoh: Ang Dyosang Batangueña mula sa Lemery, Batangas

Malamang sa sobrang kulit at nakakatuwa ng kanyang mga Video sa facebook ay kilala mo na sya sa pangalang Dyosa Pockoh. Unti unting nagiging viral ang mga nakakatuwang video nya at patuloy na kumakalat sa Social Media.

Kilala mo na ga kaya siya?

Napakaswerte namin sa WOWBatangas at napagbigyan nya kami upang makapanayam sya at malaman namin kung paano nagsimula ang lahat ng nakakatuwang video nya.

Francisco V. Suayan ang kanyang tunay na pangalan na mas kilala ngayon bilang Dyosa Pockoh. Anak siya nina Porferio Suayan na isang Batangueno at Remia Suayan na isang Bisaya. Siya ay ipinanganak at lumaki dine sa bayan ng Lemery, Batangas kaya hindi natin maikakaila kung bakit sya’y taas noong Batangueña. Si Anne Curtis ang kanya madalas na ginagaya at iniidolong artista kaya simula ng ito’y nagkaroon ng Teleseryeng “Dyosa” ay idinugtong na ito sa palayaw nyang “Pockoh”. Isa syang working scholar sa University of the East na nag tapos sa kursong Fine Arts Major in Advertising at ngayo’y nag tatrabaho bilang Graphic Artist ng Garment Apparel in the Philippines. Dahil likas na sa ating mga Batangueño, si Dyosa Pockoh ay masayahin at palakaibigan.Aktibo din syang tumutulong sa mga proyekto ng kanilang barangay. Relihiyosa din siya at may pag galang sa mga nakakatanda sa kanya.

Nagsimula syang mag post ng kanyang mga video noong Hunyo ngayon taon at nagulat sya ng ito’y naging viral. Sinundan nya ito ng isa pang video at muli ito’y mabilis na kumalat sa mga social media. Mahilig syang mag post ng mga kaganapan sya kanilang pamilya at sa kanilang barangay maging ito man ay Fiesta, Birthday, pasko, patay atbp upang maging updated ang kanyang mga kamag anak at kapamilyang nasa abroad.

Ayon sa kanya proud na proud syang siya’y isang Batangueña hindi lang dahil dito sya lumaki at ipinanganak ngunit dahil napakaraming katangiang Batangueño ang dapat nating ipagmalaki sa iba. Ayon sa kanya, nagpapasalamat sya sa mga taong natutuwa at naaaliw sa kanya dahil kahit sa simpleng pag upload ng kanyang mga video at ng sinasabi nyang korning mga jokes online ay natutuwa din sya dahil nakakapag pasaya sya ng maraming tao. Nais din nyang humingi ng paumanhin sa mga na ooffend nya at nalalaswaan sa iba nyang videos ngunit wag po nating kalimutan na ang lahat ng ito ay pawang biro lamang upang mapatawa ang kanyang mga tagasubaybay.

Sundan ang kanyang mga nakakatuwang mga video dine.

Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid

About JR

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Mutya ng Batangas 2015 Grand Coronation Night (1)

Mutya ng Batangas 2015 Grand Coronation Night

Mutya ng Batangas 4th Runner Up 12 Nasugbu Ma. Khristine Cabral Mutya ng Batangas 3rd …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *