Breaking News

Aba’y kuhane. Gusto eh!

Pangarap

Kinahapunang tapat nang makita ni Hot Papa si Toto na gumagawa ng kanyang mga takdang aralin. Nakita nya ang pagkakadaming libro na nakapatong sa lamesa.

“Aba’y pagkakasipag naman ng anak ko. Ay gay-an nga. Pagbutihe!”, sambit ni Hot Papa.

“Opo naman. Ay naduduling na nga ho ako dine. Pagkakadami ng dapat gawin. Di na ho naubos eh. Kakapasok laang eh kadaming project agad.”, medyo pagod at inis na sagot ni Toto. Medyo lang.

Bata pa lang si Toto ay alam na nya kung ano ang gusto nyang maging paglaki nya. Alam na nya kung anongkursong kukunin sa kolehiyo. Kaya alam nyang dapat nyang mag-aral nang mabuti para matupad ang mga ito. Ngunit alam din nyang di magiging ganon kadali ang pagtupad nito. Ngayon pa lang, nahihirapan na syang mag-aral at napapagod sa sobrang daming pinapagawa sa kanila sa paaralan. Pag-uwi, ang dami-dami pang mga takdang aralin.

“Haay.. Ano gang pagkakadami nare! Hindi na naubos eh. Haay!”, ungot ni Toto habang ayos ang lapat ng mukha sa lamesa. Halatang sya’y pagod na.

Napansin ito ni Hot Papa at pumunta sa kusina. Maya-maya pa ay bumalik ito na may dalang merienda kay Toto.

“O iho, ika’y magmerienda muna at mukhang ika’y pagod na pagod na eh. “, sabi ni Hot Papa habang sinasara ang mga libro.

“Salamat ho. Ay pagod na nga ho ako eh. Wala na hong napasok sa utak ko eh. Haay.”, buntong-hininga ni Toto, sabay lagok ng juice.

“Alam mo Toto, sadyang ganyan. Alam kong may mga pangarap ka at gusto mo iyong matupad. Kaya ka nga nag-aaral di ba? Pero alam mo namang hindi rin madali ang mga pagdadaanan mo bago mo matupad ang mga ito. Hindi nang gusto natin ay madali at minsan hindi rin lahat ng gusto natin ay ating nakukuha. Pero kung magsisikap ka ng mabuti, maaabot mo lahat ng pangarap mo. Kung ngayon pa lang susuko ka na, pano pa kapag nasa kolehiyo ka na di ba? Magsikap ka lang anak. Alam kong kayang- kaya mo yan. Tandaan mo, hindi natin nakukuha ang mga bagay sa pamamagitan ng pagrereklamo.”, ang pangaral ni Hot Papa.

“Bluuukk…Blaaahh..Uggssshhh. haaaa…”

“O bakit Toto, konti lang naman ang sinabi ko ah.”, wika ni Hot Papa.

“Nabilaukan po ako. Haaa… Salamat po ah.”, sagot ni Toto.

……………….

“You got a dream… You gotta protect it. People can’t do somethin’ themselves, they wanna tell you you can’t do it. If you want somethin’, go get it. Period.” ~ Christopher Gardner (Will Smith) in “The Pursuit of Happyness” (2006)

Moral Lesson:  Tulad ng sinabi ni Hot Papa, lahat tayo ay may mga bagay na nais makamit. Pero hindi natin ito agad agad makukuha ng ganitong kadali. Madami tayong pagdadaanan para makamit ang ating mga pangarap. Wag tayong sumuko. Mas mabuting magsikap tayo. Wala namang madaling paraan eh. Sabi din ni Hot Papa, di natin nakukuha ang mga bagay sa pamamagitan ng pagrereklamo. Isa pa, ang mga bagay na nakukuha nang mabilis ay mabilis ding mawala. Kaya, wag tayong susuko. Tiyaga lang, di ba ga!

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.