Breaking News

Ang 20 Pesos at si Noel

Ang 20 Pesos at si Noel

“Anong mabibili ng twenty pesos mo?” wiling-wile sa panonood ng tv si Toto. Bigla nyang naisip ang isang kwento tungkol sa twenty pesos.

…………….

Sa isang silid sa paaralan, makikita mo ang isang bata na napaka-lungkuyin. Ay sobra ang pagsalambutin. Siya si Noel. Napansin ito ng kanilang guro kaya’t umisip ng paraan para sumigla si Noel pati na din ang kanyang mga kaeskwela.

Kumuha sya ng isang bente pesos sa kanyang pitaka at itinaas.

“Mga bata, aba’y sino ang may gusto ng bente pesos na are? Gusto nyo ga?”

Lahat ay nagsitaasan ng kamay eh. Pati si Noel na pagsahimatlugin eh nagtaas ng kanyang kamay. Lahat ay gusto ng bente pesos.

Biglang ginasumot ng guro ang bente pesos. Ay pagkakagusot. Tapos eh, itinapon sa sahig at niyapakan. Ay pagkakasayang naman. Muli syang nagtanong.

“Gusto nyo pa ga areng bente pesos na are?”

Aba’y wala ni isa sa silid ang hindi nagtaas na kamay eh. Ay pagkakagusto pa din.

Natuwa ang guro sa nakita. Ibinahagi nya ang aral mula sa nangyaring iyon.

“Ay mga anak, kayo ay may natutunang bagong aral ngayong araw na ito. Gusto nyo pa din ng bente pesos na are kahit na ginasumot ko na, tinapon sa sahig, at niyapak-yapakan. Bakit? Kasi alam nyo eh na kahit anong mangyari bente pesos pa din are. Di mababawasan ang halaga nare kahit na tapakan at gasumutin ko pa. Tama ba mga anak?”

Lahat ay natuwa sa narinig at namangha sa simpleng aral na nakuha mula sa bente pesos. Maging si Noel eh pagkakatuwa. Kahit pano’y nadagdagan naman ang lakas niya sa katawan. Nabawasan ng konti ang pagiging lungkuyin.

………………

“Hmm…sarap ng twenty!”, wika ni Toto.

Moral Lesson: Tulad ng bente pesos sa kwento ni Toto, lahat tayo ay may halaga. Minsan dumadaan ang mga pagsubok sa ating buhay na maaring magpaiyak sa atin, magpagusot ng ating mukha, o magpalugmok sa atin. Pero kahit anong mangyari, tayo ay di mawawalan ng halaga sa mundong ito. Tumingin ka sa palagid. Lahat ay may halaga tulad mo.

 

Inspired by the story “Value”.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

One comment

  1. very g0od!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.