Breaking News

Ang Binging Palaka

Ang Binging Palaka

Isang araw, sa gitna ng pagkakalakas na ulan, may tatlong palaka na pagkakaingay. Ay husay ang pagtatampisaw eh. Palayo sila nang palayo sa kanilang tirahan. Bigla silang napasigaw?

“Wrrrrrrraaaaaaaaaaaaaaaaaaaa…………..” Blag! Ang mga palaka ay nahulog sa isang balon pero di naman gaanong kalaliman.”

“Aray naman! Anu ga iyun? Kokak!”, wika ng isang palaka.

“Ang pagkakasakit nun ah! Kokak!”, sabi ng isa.

“Ay sino gang naglagay ng balon dine!” , sagot ng isa pa. Tatlo sila di ba?

Lahat sila ay pawang masasakit ang katawan. Halos hindi na nga sila makalundag man lang. Pero kelangan ng isang makauwi sa kanila dahil magagalit ang kanyang Inang Kambing. Ha? Ay papano nangyari yun? Wag nang kumontra. Si Po nga, tatay eh pato. Haha.

Sa pagpapatuloy…

Pinilit ng isang palaka na bumalikwas sa pagkakahiga at pinilit na lumundag lundag.

“Anong ginagawa mo? Haler, nahulog kaya tayo, di mo pa kayang lumundag kasi masakit pa ang katawan mo”, sabi ng isang echoserang palaka.

Patuloy sa paglundag ang palaka. Iniisip nya na kelangan nyang makauwi sa kanila kasi kelangan pa nyang magsaing. May sakit kasi si Inang Kambing. Kahit masakit ang katawan, pinilit pa din eh na lumundag-lundag at umahon sa balon.

“Di mo magagawa yan. Di ka na makakaalis dito. Magpahinga ka muna. Imposible talaga.”, ika ng isang palaka.

“Oo nga. Ayos ka ga laang. Wala ka nang magagawa. Dito na tayo. Di ka na makakaalis dito. Di mo magagawang makaalis at makaahon dito sa balon.”, pangalawang palaka ang nagsalita.

Halos, sumigaw na ang dalawang palakang yun para sabihan ang mapilit na palaka.

Patuloy sa paglundag ang palaka. Pinilit nya ang sarili. Di nya alintana ang mga sakit sa katawan. At narating nga niya ang dulo at sa wakas ay nakaahon din sya.

Laking tuwa nya nang maabot ang dulo. Nilingon nya ang dalawang palaka na nuon ay manghang-mangha sa kanya.

Hindi nya naririnig ang sinasabi o sinisigaw na ng kanyang mga kasama. Alam nyo kung bakit? Kasi bingi pala sya. Naiwang mahihina ang dalawang palaka sa balon at sya naman ay nakauwi na sa kanilang bahay at ipinagluto ang may sakit na si Inang Kambing.

Di End.

Moral Lesson: Minsan sa ating masayang buhay, dumadaan ang mga pagsubok. Mga pagsubok na akala natin at nang ibang taong nakapaligid sa atin ay hindi kayang lampasan. Minsan humihingi tayo ng payo sa ibang tao. Pero minsan kelangan nating magbingi-bingihan. Hindi laging tama ang sinasabi ng iba. Meron tayong sariling pananaw at nasa atin ang desisyon kung gusto ba nating malagpasan ang mga pagsubok sa ating buhay. Mas higit tayo sa mga palakang mag-isip. May sarili tayong utak at gamitin natin ito nang maayos.

Inspired by the story “Two Frogs”.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

One comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.