Breaking News

Ang ‘Ex’ Factor

Isa sa mga madalas na pagmulan ng away ng mga magkakarelasyon ay ang nakaraan ng isa sa kanila — ang pilit iniiwasang ex-boyfriend o ex-girlfriend. Alamin ang dilemma ni Miko sa pagbabalik ng Kwentong Pag-Ibig.

Dear Miong and Julieta,

Medyo matagal na kami ng girlfriend ko. Seven months na yata. At sa loob ng pitong buwan na yun, isa lang ang laging pinagmumulan ng malalaking away namin — ang kanyang ex-boyfriend.

Aware ako na hanggang ngayon ay tini-text pa rin sya at minsan ay tinatawagan para kamustahin. Ayos naman sakin at ipinapaalam ito ng girlfriend ko. At least di ko nararamdaman na betrayed ako. Kaya lang, nakakaramdam pa rin ako ng selos pero mas lamang yung takot. Takot na baka magkaroon ng kalituhan ang tadhana at marealize ng girlfriend ko na may pag-asa pa sila ng ex-boyfriend nya. Although alam ko naman na mahal nya ako at mahal na mahal ko sya.

Ako ba ay praning lang o dapat ko nang i-confront yung ex nyang yun?

Saklolo.

Miko

Hey Miko,

Praning? Hmmm, medyo malapit na siguro. Joke lang. Kahit siguro ako mapaparaning kung isang bagay lang lage ang malimit nyong pag-awayan. At yun an ang kanyang Ex-Boyfriend.

Siguro dapat hindi yung Ex nya ang i-confront mo, dapat kayo na mismong dalawa ang mag-uusap tungkol sa inyong problema. Kasi baka lalo pang gumulo kung kakausapin mo pa si Ex. Ipaliwanag mo sa kanya ang iyong nararamdaman. Ipaliwanag mo sa kanya kung bakit ka nahihirapan o kaya nagseselos ka kapag nagtetext sila.

Kahit sabihin naten na wala na sila o kaya sabihin man nya na mag-kaibigan na lang sila, mahirap pa rin para sa ating mga lalake na tanggapin na nagkakaroon pa din sila ng komunikasyon. Kasi alam naten na may pinagsamahan sila. Kahit itatak naten sa isip naten na friends lang sila, di talaga maiiwasan ang ganung damdamin, natural na ata talaga yun.

Kung mahal talaga ninyo ang isa’t isa, dapat ay may nagpaparaya din para lang masolusyonan ang problema. Kesa naman sa dumating pa sa yugto na mag-hiwalay pa kayo dahil dun. Kaya Miko, kausapin mo sya ng puso sa puso. At kung mahal ka talaga nya maiintindihan ka nya.

MIONG

Dear Miko,

Sabi mo nga laging pinagmumulan ng malaking away nyo ang kanyang ex-boyfriend. Hindi naman siguro masamang magkamustahan sila minsan at ipinaalam naman sayo, pero kung palagi nyong pinag-aawayan ito, kausapin mo sya tungkol sa nararamdaman mo, maiintindhan naman siguro iyon ng girlfriend mo kung mahal ka nya talaga.

Siguro naman ay mas mahalaga ka para maintindihan nya. Mahinahon lang, wag ka masyadong magselos kung alam mo namang pinaparamdam nya sa iyo kung gaano ka nya kamahal.

Hindi mo kailangang kumprontahin ang kanyang ex-boyfriend, maaaring pagmulan ito ng gulo maging sa relasyon nyo ng iyong girlfriend.

Wishing you well,
JULIETA

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

One comment

  1. hey. gusto ko din sana manghingi ng advise about my current situation. can you give me an email address where I can send my story? salamat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.