Isang umagang umuulan. Malamig. Umiiyak ang kalangitan. Malagkit sa pakiramdam kapag tinatamaan ng ampiyas ng ulan.Malungkot.
Si Toto, si Noel, si Nino.Nakapayong.Tahimik na naglalakad sa gitna ng maingay na patak ng ulan. Sa may kubo. Dumating ang talong magkakaibigan. Nagpunas ng basa at malagkit na katawan. Naupo. Nag-usap.
Si Toto. Kinuha ang paborito nyang libro. Nilagyan ng sapin ang malamig na sahig na kawayan. Naupo. Marahang binabasa ng mga mata ang mga titik sa bawat pahina. Iniintindi ang lahat ng mahiwagang bagay na inilagay ng may akda. Ang kanyang paboritong libro. Naruto.
Si Nino. Kinuha ang dalang bag. Inilabas ang dalang tsitserya. Ngumuya. Naupo sa papag at naglaro ng psp. Titig na titig sa bawat paglabas ng mga karakter sa laro. Hindi kumukurap. Abala sa pagpindot ang kanyang mga daliri. Naglalagay ng kanyang depensa sa nais manakop sa kanyang tahanan. Ang kanyang nilalaro. Plants vs. Zombies.
Si Noel. Tahimik. Biglang nagsalita. Punong-puno ng liwanag ang kanyang mga mata sa gitna ng madalim na kalangitan. Tumawa. Masaya.
“Alam nyo ang ginagawa ko kapag umuulan, umiiyak ang kalangitan, at mag-isa? Ngumingiti ako”.
Si Toto, si Nino. Abala pa din sa ginagawa. Ngunit may ngiti sa kanilang mga mukha.
Ang kalangitan. Unti-unting nagliliwanag. Tumigil na ang pagbuhos ng ulan. Tumila.
…………………………
“Perhaps I know best why it is man alone who laughs; he alone suffers so deeply that he had to invent laughter.” Friedrich Nietzshe
Moral Lesson: Anong ginagawa nyo kapag malungkot kayo? Hindi ba dapat gumawa ng paraan para ngumiti at maging ok ang nararamdaman? Hindi masamang mag-isa kung nakikita natin ang mga bagay na mahalaga sa ‘tin. Kayo tayo malungkot ngayon kasi magiging masaya tayo bukas. Ngiti na at maging masaya.
sino po ang manunulat nitong kwentong ito??
Naku, hindi na namin maulanigan kung sino eh. Baken ho?