Breaking News

Ang Love ni Toto (Leksyon mula sa Papel)

Ang Love ni Toto

Tarang pakinggan si Toto sa panibago nyang kwento..

Oops..Ito ay isang napakaikling kwento na parang tula na ewan ko ba. Pero, may moral lesson pa din naman.

……………

Inis na inis si Toto sa kanyang mga kaklase dahil sobrang nakakainis sila. Hindi. Napaka-immature daw kasi ng mga yun. Gumawa ka ng mabuti, kaw pa masama. May magawa kang masama, lalo kang pasasamain. Gets nyo?

Sa paglalakad ni Toto galing sa eskwelahan, natapakan nya ang isang piraso ng papel na may nakasulat.

Binasa nya ito.

Ala’y pabasa din kami.

Sige, ito ang nilalaman.

“May mga tao na napaka-makasarili, hindi nag-iisip, at wala sa katwiran.
Mahalin mo pa din sila.”

“Kapag gumawa ka ng mabuti, iisipin nila, may iba kang motibo kaya mo ginagawa yun.
Gumawa ka pa din ng mabuti.”

“Kapag nagtagumpay ka sa buhay, magkakaroon ka ng di tunay na kaibigan at toong kaaway.
Magtagumpay ka pa din.”

“Ang pinakamalaking tao na may pinakamalaking ideya ay kayang patumbahin ng pinakamaliit na tao na may pinakamaliit na utak.
Mag-isip ka pa din ng malaki.”

“Ang mabuti mong ginawa ngayon ay makakalimutan din bukas.
Gumawa ka pa din ng mabuti ngayon.”

“Minsan ang pagiging totoo at prangka ay magpapahina sa ‘yo.
Maging totoo at pranka ka pa din.”

“Anuman ang itinayo mo sa maraming taon ay pwedeng magiba sa isang magdamag.
Magtayo ka pa din.”

“Kelan ng iba ang tulong pero nagagalit naman kapag tinutulungan.
Tulungan mo pa din.”

“Ibigay mo lahat ng kaya mong gawin at sa huli babagsak ka lang.
Ibigay mo pa din ang lahat.”

At si Toto ay biglang naliwanagan sa lahat ng kanyang mga nabasa. Takbo agad sa kanila eh.

…………..

Ay nabasa nyo na ang mga nabasa din ni Toto ah. Di ga’y tama naman.

Moral Lesson: May mga bagay sa mundo na hindi natin maunawaan kung bakit nangyayari. May mga tao ang hindi natin maintindihan kung bakit ganun sila. Nagiging masama tayo sa paningin ng iba, natutumba, nakakalimutan ang ginawa natin, itutulak kapag tumutulong, nawawala ang pinaghirapan. Pero sa kabila ng lahat ng yun, buhay pa naman tayo. Meron pa din tayong puso na kayang magmahal, gumawa ng mabuti, kayang tumulong, kayang mangarap at magtagumpay, at kayang magkaroon ng mga tunay na kaibigan. Kelangang wag mawala ang puso nating ito sapagkat napaka-importante nito sa atin

.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.