Hmmmm… Sshhaarrraappp naman ng saging… Saglit laang ah. Ayan. Kwentuhan na ulet…
……………
Kasalukuyang nasa sikat na tindahan sa kanilang kagubatan si Unggoy. Suot ang kanyang mp3 at dala ang sampung pilak sa kanyang bulsa, mabilis na nakarating si Unggoy sa tindahan sa pamamagitan ng paglambitin sa mga puno.
“Pwede ga pong magpadeliver ng dalawang buwig na saging? Ipapadala ko laang ho sa matalik kong kaibigan sa kabilang gubat?”, sabi ni Unggoy sa tinderang Palaka.
“Kokak.. Aba’y oo naman. Kaso gagastos ka ng pitong pilak kasi medyo malayo ang kabilang gubat. Mahihirapan si Pagong sa pagdedeliver nun. Pero wag kang mag-alala kasi makikipagkarerahan na naman sya kay Kuneho kaya mabilis nyang madadala yun.”, ang sagot ng tinderang Palaka.
“Kung gayun eh ok na ok po yun. Sige po, are ang pitong pilak para sa dalawang buwig na saging. Salamat po.” Agad na lumabas si Unggoy sa tindahan. Sa kanyang paglabas ay nakita nya ang isang maliit at gusgusing aso na nangingilid ang luha.
“Ala eh, bakit ka ga naiyak?”, tanong ni Unggoy.
“Gusto ko sanang bumili ng isang pirasong buto para sa matalik kong kaibigan pero kalahati lang ang pilak na dala ko. Kulang pa ng kalahati. Huhu.”, ang malungkot na sabi ng aso.
“Ikaw ay tumahan na at ibibili na kita para sa kaibigan mo. Tahan na ikaw.”, ang marahan at mabait na sagot ni Unggoy.
Tumahan ang aso at bumili sila ng isang pirasong buto. Pauwi na sila. Alam ni Unggoy na maliit lang ang aso at kaya nya itong isakay sa kanya habang naglalambitin kaya tinanong nya ito.
“Kung gusto mo eh sasamahan kita papunta sa matalik mong kaibigan. Gusto mo ba?”
“Sige po.”
Mabilis na nakarating sina Unggoy sa kinaroroonan ng kaibigan ni aso. Biglang nalungkot si Unggoy at di napilang umiyak nang sumapit sila sa isang sementeryo. Patay na pala ang matalik na kaibigan ng aso. Agad syang umalis at nagpaalam sa aso. Binalikan nya ang tindahanat kinansela ang order nya. Sa halip binili na lang nya ang mga saging at sya mismo ang nagdala nito para sa kanyang kaibigan. Nilakbay nya ang mahabang daan patungo sa kabilang gubat. Tatlong araw din syang naglakbay ngunit di nya alintana ang pagod para personal na maihatid ang kanyang dala.
………
“Toto…Andyan na ang kaibigan mo, dala ang paborito mong matamis na saging.”
Moral Lesson: Mas masarap matanggap ang isang bagay kung makikita mo mismo ang taong nagbigay nito. Hindi man ito saging, mas masayang malaman na gumawa ng paraan ang isang tao para lang mabigyan ka ng isang espesyal na bagay. Kelan mo gagawin ‘to? Ang mag-effort para sa taong mahal mo at taong mahalaga sa ‘yo? Kung kelan huli na ang lahat? Kung kelan wala na sya? Hindi di ba? Ngayon na, habang kasama mo pa sya.
nice story.. very creative..