“Kayo ba ga’y may mga kaibigang tunay? Ako’y meron. Sina Noel at Nino. Ay kababait nila eh. Aba’y hindi ako pinapatulad sa exam, hindi pinanggawa ng assignments, pero ako’y pinauutang. Kabaet ano?”
……………
Alam nyo gang si Toto ay minsang naging pasaway sa kanyang mga magulang. Pagsapasaway naman. Kaya napapalo ng walis tambo ng kanyang Inay eh.
Si Toto noong mga panahong iyon eh, tamad, hindi nagawa ng kanyang assignments. Pagkagising eh sigalpot agad sa kapitbahay. Di pa tapos kumain ang mga kasabay, ay paalis na ule eh. Hala nandun sa bukid ni Mang Tomas at namamato ng mangga, kasama ang mga kaibigan “kuno”.
Pag nasa skul, nasa unahan, naka-iskwat. Pag nasa bahay naman… Hmmm… Ala’y wala pala lagi sa bahay. Ay laging naglalakwatsa eh. Uuwi sa bahay kung kelan gutom. Pagkakain ay palayas na ulet eh.
Isang araw, bigayan na ng kard. Ay puro bagsak ang mga marka ni Toto eh. Lahat silang magkakabarkada eh pangputol na ng kahoy ang marka eh. Pagkakagalit ng kanyang Inay.
“Sorry na ho Inay. Di ko naman ho alam na bababa ng ganyan ang mga marka ko eh. Sinasabihan ko naman ho ang mga kaibigan ko na gumawa ng assignment pero wag na daw ho. Kapag daw ho gumawa kami ng assigments eh hindi na kami magiging sikat sa mga kaklase naming babae.
“Ay bakit naman? Anong hindi magiging sikat?”
“Ay hindi daw ho kami mapapatayo ni Titser eh kapag gumawa kami ng assignments. Ayaw ko naman ho na bumagsak ako eh. Di ko naman ho gusto yun”, sagot ni Toto.
“Aba’y kaw baga. Dyan ka nagsasama sa mga kabarkada mo. Wala namang alam kundi mamato ng mangga. Hala ikaw nga eh magbago. Ika’y pumili-pili ng kakaibiganin. Pili-pili naman.
Simula noon, nagsasama na si Toto kina Noel at Nino. Hindi nga sila namamato ng mangga, hindi nga sya pinakokopya at pinagagawa ng assignments, hindi naman sila napapaiskwat sa unahan at hindi naman puro palakol ang mga marka nila.
…………..
Tarang mamato ng mangga! Dyok lang po!
Moral Lesson: Gaya ng sinabi ng Inay ni Toto, aba’y pili-pili naman ng mga kakaibiganin. Yung mga tunay na kaibigan eh yung laging nandyan para sa ‘yo hindi dahil may kelangan lang sila lagi kundi mahalaga ka sa kanya at mahal ka nila. Ang mga tunay na kaibigan eh yung hindi ka dadalhin sa masama. Kung ang kaibigan mo ay hindi ganito, ay sya sa tingin ko eh dapat mag-isip ka na. Sabi nga sa isang kwento, kung ang mga taong nasa paligid mo ay hindi mo kayang ibahin, e di IBAHIN mo ang mga taong nasa paligid mo. Tandaan,hindi natin ibinabahagi ang ating mga pangarap sa mga negatibong tao at hindi tayo nangangarap ng negatibo. Meron tayong sariling buhay. Nasa sa atin kung sino at ano ang hahayaan nating pumasok dito.
Nakakarelate ako. Grabe!natatawa ako sa sarili ko