Breaking News

Face Off: The Girlfriend vs. The Girl Best Friend

It’s the first weekend of the love month and we’ve got here a story from “Charie” (not the real name of the sender) who’s torn between confronting her guy about the “excessive sweetness” of his girl best friend or just shut the *bleep* up.

Dear Miong and Julia,

Tatlong taon na ang nakakaraan nang makilala ng boyfriend ko ang babaeng best friend nya sa kasalukuyan. Marami akong hindi alam sa lalim ng kanilang samahan. Alam kong bago pa ako dumating sa buhay ng boyfriend ko ay sila ng dalawa ang laging magkasama at magkaramay.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o magselos man lang. Kada bibisitahin ko ang profile ng boyfriend ko e puro wall posts lang ng best friend nya na may “I miss You” or “PM me. Let’s hangout.”

Kung i-oopen up ko naman ito sa kanya, baka naman ikasama ito ng loob nya at pag-awayan pa namin. Ayaw ko din naman yon. Isa pa, ayaw ko rin naman na masira ang friendship nila. Iniisip kong baka nagrereact lang ako ng sobra.

Kaya nga sumulat ako sa inyo Miong at Julia, para malaman ko kung ano ba talaga ang dapat kong piliin? Ang sabihin ko sa kanya o hindi?

Nagmamahal,
Charie

Hey Charie!

“I miss You”
“PM me”.
“Let’s hangout.”

Tatlong tao lang ang maiisip kong tao sakaling may magsabi nito sa aking minamahal.

Una. Pagerper.

Isang pagerper na tipong ang kulang na lang ay isang bugaw na magsasalansan sa kaniya sa bintana ng aking sasakyan.

Malaswa pakinggan pero wala na sigurong mas babastos pa sa mga babaeng nanlalandi ng mga lalakeng alam nilang mayroon ng minamahal.
Pero teka, alam ba niyang nagmamahalan kayong dalawa? Baka din kasi hindi sinasabi ng boyfriend mo na mayroon na siyang ka sweet-sweetan kaya yung best friend kuno e sige lang ng sige sa kaniyang paglalambing.

Padalawa. Kaibigan.

Isang kaibigan na sa hinaba-haba na siguro ng panahon at sa lalim na din ng pagkakakilala ay naging kapatid na ng iyong boyfriend.

Sa malamang ay wala na din sigurong malisya o kung ano pa mang s**t ang namamagitan sa kanila kaya ganyan kaboka at kaprangka yung babae.

Patatlo. Kasintahan.

For reasons you know. 🙂

Pwera na lang kung magkasintahan din ang turingan nila.

===

Sa hinaba-haba man ng aking suhestyon at sa dinami-dami na ding eksena na tumakbo sa iyong isipan ay isa lang siguro ang nararapat mong gawin.

At yan ay ang komprontahin tanungin mo ang iyong boyfriend kung ano nga baga ang mayroon sa kanilang pagkakaibigan.

Dahil kung wala naman sigurong namamagitang karumal-dumal sa kanila e maipapaliwanag niya ng maayos at matiwasay mong maiintindihan ang lahat.

Nasa BF at sa BF mo lamang, Charie, ang siguradong sagot sa iyong mga katanungan.

Sana’y tandaan mo din na ikaw, higit sa lahat ng kaniyang mga chix na kaibigan, ang siyang dapat may tangan ng pinakasinsero at pinakatapat na komunikasyon.

Huwag mong hayaang maging hindrance ang “friendship” nila sa supposedly ay “intimate relationship” n’yo. Dahil sa tunay na buhay, pag hinayaan mong mangyare yon ay napakatungaw mong babae ka.

Let’s hang out sometime if you make amends na with him. PM me.

Tse.

MIONG

Dear Charie,

Excuse me, sino si Julia?

Come on, girl. Admit it, paranoia strikes you from time to time, right? Take it from me. I know a lot of girls who are dealing with the same BS that you have.

May iba’t ibang anggulo kasi yan eh. Unang issue – yung kung sino ang nauna sa buhay ng boyfriend mo. Obviously, si girl bestfriend yun.

Big deal ba yun? I guess not. Ikaw o sya, pareho kayong parte ng buhay ng boyfriend mo. At hindi kayo dapat mag-compete sa bagay na yun.

Next issue – your frequent tracking of her posts on your boyfriend’s Facebook wall. Listen to me, maraming napapahamak at mga relasyong nasisira dahil sa pag-stalk sa Facebook/Twitter/Tumblr ng sarili nilang boyfriend/girlfriend.

Nakakapraning! Tantanan mo na, utang na loob. Gusto mo bang magkaroon ng anxiety attack anytime soon?

Third issue at ang ugat ng lahat ng kapraningan ng mga babae – trust issues.

All of these, all of your worries and the little monster thoughts crawling into the crevices of your brain, these are all ugly results of your lack of trust. Or wait, do you trust him?

Dapat ka bang magalit? Pwede. Anong masama dun? Kung napapadalas na yung ganung mga eksena ni girl best friend eh talagang nakakagalit naman. But learn how to manage your anger.

Dapat ka bang magselos? Sure. Karapatan mo naman na maramdaman yan eh. Be honest with how you feel. It’s always better to let it all out kesa kimkimin mo.

Dapat mo bang tanungin o i-confront ang boyfriend mo? Hell, YES!

I’ve got some few reminders, Charie. Over-thinking is unhealthy so open the issue up with your guy. Resolve it in a calm conversation. Don’t let your emotions rule out your valid reasons.

Once na-voice out mo na at naresolve nyo na, tama na. Wag nang balik-balikan pa. Most guys get pissed off with dealing the same issues over and over again.

Kapag umulit pa si girl best friend sa mga eksena nya, sumulat ka ulit at i-attach mo ang Facebook profile nya. Winks.

Wishing you well,

JULIA JULIETA

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.