Breaking News

Kung Bakit Di Dapat Sumuko (Ang aral ni Hot Mama mula kay Po)

Kung Bakit Di Dapat Sumuko (Ang aral ni Hot Mama mula kay Po)

Inay, ay alam nyo ga ho kung anong showing ngayon sa mall? May ipon ho ako eh tsaka Sabado naman ho. Parang ibig ko hong manood.

……………..

Tulad nga mga kabataan, minsan din nagkolehiyo si Hot Mama. Pero hindi ga naging madali yun para sa kanya. Ay pano ga’y, sinuway nya ang ibig ng kanyang magulang eh.

Bago pa laang magtapos ng high school si Hot Mama, itinatak na ng kanyang mga magulang sa isip nya ang kursong kukunin sa kolehiyo. Ay ibig ng kanyang mga magulang eh, mag-aral sya ng law eh.

Pero hindi nya naman ibig yun eh. Pano ga iyun?

Nakaisang taon na si Hot Mama sa kolehiyo pero tamad na tamad na eh. Panu ga’y hindi nya ibig ang kanyang ginagawa. Ayaw nya ng law at ang ibig nya eh mag-enroll sa isang photography school. Hanggang sa isang araw, kahit ayaw ng kanyang mga magulang, hindi nya tinapos ang pagkuha na law. Kumuha sya ng photography lessons sa isang sikat na paaralan. Ay, pagkakatuwa ah. Palakpak ang tenga eh.

Yun nga laang, hindi sya binigyan ng pera ng kanyang mga magulang. Ay hindi nga sya binigyan ng pambili ng SLR. Konting baon at pamasahe laang ang binigay. Tipid na tipid eh. Mayaman naman. Hay naku! Kaya nahirapan si Hot Mama eh. Di sya sinusuportahan man laang sa ibig nya.

Sa kabila ng mga pagsubok nya, di nya nagawang magreklamo. Pinili nya yun eh kaya pinag-iigihan nya. Ay, pagsasipag mag-aral.

Isang araw, tinanong siya ng kanyang mga magulang kung bakit sa kabila ng hindi pagsuporta nila sa kanya eh tuloy pa rin sya.

Ito ang sagot nya. “Ay uho, tuloy pa din ako. Tuloy pa din ho ako kasi sa tuwing hindi nyo ako binibigyan ng pera para sa kurso ko, sa tuwing hindi nyo ako sinusuportahan sa gusto ko, pagkakasakit ho. Pero mas masakit ang pagpasok ko araw-araw sa skul na hindi ko naman gusto ang ginagawa ko. Tuloy pa din ho ako kasi are ho ang gusto ko eh. Mas masaya ako dine. Tuloy pa din ako kasi naisip ko na kung meron mang tutulong sa ‘kin sa kursong kinuha ko, kayo yun. Ang aking mga magulang.

Sa tinurang iyon ni Hot Mama. Natahimik ang kanyang mga magulang.

………..

Ay anak, showing daw ang Kung Fu Panda 2 eh. Hala sige, ika’y manood. Bili mo ko ng waffle ah.

Moral Lesson: Alam nyo ga kung anong inspirasyon ni Hot Mama? Ay are ga! “Yeah, I stayed. I stayed because every time you threw a brick at my head or said I smelled; it hurt, but it could never hurt more than every day of my life just being me. I stayed because I thought if anyone can change me, can make me not me, it was you! The greatest kung fu teacher in all of China!” Sinabi iyan ni Po sa pelikulang Kung Fu Panda. Di ga’t tama naman. Kaya wag dapat tayong sumuko. May pagkakataong mahirap at masakit pero sige pa din. Pagka-gusto may paraan, Pagka-ayaw, ay maraming dahilan, ano nga?

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.