Breaking News

Love and Cyberstalking

Some people are contented with just keeping the love they have for others hidden. Are you a cyberstalker?

Dear Miong and Julieta,

Mayroon po akong talagang crush na crush (na crush) na babae. Simula po noong highschool ay stalker niya na po ako. I’m now a college graduate at hanggang ngayon ay crush ko pa din siya. Ini-stalk ko pa din siya sa Facebook, sa Tweeter at sa kung saan man pong account na meron siya. Ang masama, mayroon na siyang boyfriend. At medyo matagal na din po sila.

Ang tanong ko po:

Tama lang po ba na magpasahanggang ngayon ay stalker pa din ako? Magkakilala po kami pero hindi kami ganoon ka-close at hindi nya alam na may gusto ako sa kaniya. Ang mga best friends ko lang po ang nakakaalam.

Medyo nag-aalangan din po kasi akong magsabi ng aking nararamdaman kasi mayroon nga po siyang boyfriend at baka ma-weirdohan siya sa aken.

Hidden Kho

Hidden Kho,

Anong klase ka? High school pa? Sobrang sakit na siguro ng puson, este, puso mo, ano?

Huwag na p’re. Ituloy mo na laang yang pagiging stalker mo. Sabihin na nating maboka ka at konting lakas lamang ng loob ang kulang sa iyo. Pero p’re, may boyfriend na siya at ika mo nga ay matagal na sila. At kung basta ka lamang lilitaw na parang burat edi siyempre may malisya na agad yan. At kataasan ay hindi ka niya maentertain. Kasi nga, tamang duda na siya.

Ikaw kasi e, pinatagal mo pa. Kung nilagawan mo sana siya noong high school pa lamang kayo disinsana’y “kayo” ngayon.

Ang Facebook naman pate ay biyaya ng diyos nitong social hub na ito para sa mga stalker na katulad mo. Well, sa kaso mo oo. I-enjoy mo na lang siguro at ipagpatuloy mo na lamang ang pagda-download ng mga cute niyang pictures.

O sige, lahat naman ay may pag-asa. Testingin mong I message siya minsan at kapag hindi na siya nagreply, sana naman ay nagets mo na. At nawa’y huwag niyang mapindot ang ‘block this chenes because he is a weirdo’ button.

MIONG

Dear Hidden Kho,

How I wish you have lots of self-confidence.

But sorry, it’s too late for you to gain that for her, maybe now for some other girls na lang.

Hidden, if I were you, I’ll stop stalking her, it will not give you a good impression to her as well as to the other girls na tingin mo pwede mong ligawan o kung anuman.

She already has a boyfriend, maybe it’s time for you to look for another and and whom you would not stalk ha. Haller, meron pa pala talagang mga ganyan lalaki ngayon? Nakukuntento sa pasulyap-sulyap lang.

You’re a guy, you should be brave enough lalo na kung gusto mo yung isang babae, tell her! If you are not appreciated, at least you tried.

Choose between being brave enough (chance is there) or lose without even trying?

JULIETA

PHOTO CREDIT: thejibsheet.com

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.