Breaking News

Mga Kwentong Pag-Ibig (Ang Sagot sa Problemadong Lovelife)

Kung problemado ang puso mo, ‘wag mong solohin. I-kuwento mo!

Isa na namang segment ang aabangan mo linggo-linggo. Ito ang mga Kwentong Pag-ibig na ating pag-uusapan sa panibagong segment na ito na hatid ng WOWBatangas.com.

Minsan nang nasabi na ang problemang pinakamasarap lutasin ay ang problema sa pag-ibig. Kaya kung ilang beses ka nang nabigo sa pag-ibig, kung hindi ka pa maka-recover sa huling heartbreak mo, i-share mo sa amin ang kwento mo. Susubukan naming bigyan ng liwanag ang isip mong nakikipag-debate sa puso mo.

WOWBatangas Mga Kwentong Pag-IbigHintayin ang mga payo ng aming resident love doctors na sina Miong at Julieta at baka sakaling matulungan ka naming hanapan ng solusyon ang kinikimkim mong problemang puso. Ang mapipiling kwento bawat linggo ay ipa-publish namin dito sa aming website. You have the option to keep your identity private kaya wala kang dapat ipag-alala. Hindi namin hangad ang ibunyag ang inyong mga problema sa mundo. Ang nais namin ay makapangalap tayo ng mga opinyon mula sa aming mga taga-suporta and in return ay makatulong na rin sa paglutas ng love problems mo.

I-send lamang ang inyong mga love problems sa amor@wowbatangas.com at sundin ang mailing guidelines na ito:

Subject field: For Kwentong Pag-ibig
Text field: Deretsong isulat dito ang inyong problema. Hindi naman kinakailangang mala-nobela ang kwento n’yo.

*Lagyan ng note kung sa anong mga pangalan itatago ang mga tauhan sa inyong kwento.

Paalala: Ang pamunuan ng website na ito ay may karapatang piliin ang mga kwentong nararapat i-publish. Iwasang mag-send ng mga kwentong lalampas sa Rated PG upang maiwasan ang anumang issue ng censorship. Upang maproteksyunan ang inyong tunay na katauhan, gumamit lamang ng alias sa paglalahad ng inyong istorya. Maraming salamat.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.