Breaking News

Si Hot Mama, Si Mr. Paolo Rivas, at Ang Mga Langaw

Si Hot Mama, si Mr Paolo Rivas at Ang Mga Langaw

Katanghaliang tapat at si Toto ay katatapos laang kumain. Kinuha nya ang tsokolate na nasa bayong at nahiga sa kanilang papag. Ilang minuto pa lang ang nakakaraan eh, nakaramdam na ng antok si Toto katabi ang balat ng matamis na kinain nya. Pano ga yan, may panibago na ulet tayong kwento kasi tiyak, mananaginip na naman sya.

………………

Binuksan ni Hot Mama ang laptop at nagpatugtog ng paborito nyang “Hey Dude” sa youtube. Si Hot Mama ay isang matabang babae na nakatira sa kanyang bahay syempre. Hmmm..medyo mayaman. Matakaw. At may katamadan.

“Pa order nga ho ng fries at burger. Samahan mo na din ng softdrinks. Yung large ha.” Haay…ang sarap gang humilata sa kama maghapon. Sarap ng buhay.

Dumating ang delivery. Mr. Paolo Rivas ang pangalan ng delivery boy. Kaso ngayon eh, hindi one big breakfast with hash brown ang dala nya kundi yung inorder ni Hot Mama. Wala ding kasamang apple pie na pang-dessert laang. Kinuha ni Hot Mama ang delivery, nagbayad at kinuha ang singkwenta sentimos na sukli.

Tsuuuupppp… Kasabay ng paglagok ng huling softdrinks ay ang pagpikit ng kanyang mata. Naiwan sa baba ng kama ang mga balat ng kanyang pinagkainan. Nabagsakan ng kanyang kamay ang tissue na may ketchup. Nakatulog na si Hot Mama.

Weeeeengg…weeenggg……………… may tatlong langaw na aaligid-aligid kaya bigla syang nagising na inis na inis.

“Wow pare ang sarap naman neto. Ano gang tawag dito?”, sabi ng isang langaw.

“That’s what you call mayo as in mayonnaise.”, sagot ng isa pang langaw.

“Wrreeh! KewWrtchaAp NaaMarn yAarn.”, ika ng isang langaw na punong-puno ang bibig ng mayo este ketchup pala. To kasing isang langaw eh.

“Burp….Parang nauutot ako.”, mahinang sabi ng nahihiyang langaw.

“Wag ka ngang bastos! Kita mong kumakain tayo eh.”

Nabulabog ng isang paglakas na hampas ang kanilang pagkain. Kanya-kanya silang liparan ngunit paulit-ulit na bumabalik sa braso ni Hot Mama kung saan may pagkain. Weeee…Lipad…Weee…Balik ulet.
Nayamot si Hot Mama. Pilit iminulat ang nanlalaking mga mata dahil sa sobrang pagkainis sa mga langaw na umistorbo sa kanyang paghilik.

“Umalis nga kayo dito. Iniistorbo nyo pagtulog ko eh. Grrrrrr……..nakakainis… Alis.”

“Eeeeeeeeeenggggggg… Bingi kami.. Di kami nakakarinig. Eeeenggggg..”, sabay balik ulet sa kanilang pagkain.

“Haay..Ano ga? Bakit ga pagkakulet nyo. Bakit ga ayaw nyong umalis ah? Mga peste kayo.”, pagkagalit na sabi ni Hot Mama na napilitang bumangon.

Nakita nya ang mga kalat na hindi man lang nya niligpit bago sya humilata sa kanyang kama. Nakaramdam sya ng panglalagkit sa kanya braso dahilan sa ketchup..

“Haay….Ang dami naming kalat oh…Kainis”, sabi niya.

“Ok lang yan. Ang saya nga eh. Sa susunod magkalat ka ulet ah. Para naman may makain kami. Hahaha.”, ika ng isang langaw.

“Oo nga.. Wag kang magliligpit. Masama yun.”, sabat ng isa pang langaw.

“Oo nga..”, gaya-gaya ang isa.

Nainis si Hot Mama at pinaghahampas ang mga langaw.

…………………

PAAK!!

Nagising si Toto sa paghampas sa kanyang braso dahil sa mga langaw ng naakit sa balat ng chocolate na kinain nya.

Moral Lesson: Minsan, ang tao ay nakakalimot na sya ang responsable sa lahat ng mga nangyayari sa kanya. Wag ga nating isisi sa iba ang hindi natin pagkatuto sa isang bagay. Tandaan, ang mga langaw sa kwento ay hindi naririnig ni Hot Mama. Sa totoong buhay, minsan walang magpapa-alala sa ‘tin ng ating mga kamalian. Mas mabuting tayo mismo ang makakita at itama ang mga ito.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

3 comments

  1. it doesn’t make any sense… worst start, bad ending… not worth the read… less enthusiasm…

    be a little creative and original…

  2. malalim akong tao sir…it makes sense to me….thumbs up…pwede rin ga pong magpasa ng mga kwento?hilig kko rin kc un eh…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.