Hahaayyy…. Kaantok ah… Wala gang makape diyan. Maige pa eh makapakinig na laang ng kwento ni Toto.
…………………..
“Ala eh nakapanood ka ga ng isports ngayon? Yun gang NBA kung tawagin?”, ika ni Mang Tomas sa kanyang kabaryo.
“Abay uu naman. Ako pa eh meron kayang malaking kahon sa amin”, sagot nito.
“Anong kahon?”
“Ay saan ka ga nanunuod? E di baga’y sa kahon. Yung may mga nagalaw na maliit na tao. Pagkaliliit ga ng mga iyon. Biruin mo’t nagkasya duon ano.”
“Ah gayun ga? Ay uu nga.”, sagot ni Mang Tomas. “Anu gang nangyari sa laban? Sino gang magaling magpasiyut?”, dugtong nya.
“Ala’y pagsagaleng ng mga naka-asul. Ay talo ang mga nakaputi eh”, ang pagkakahangang sagot ng kabaryo.
“Ay gayun ga? Ay diga’t home court ika daw ng mga nakaputi. Heat yata iyun eh. Natalo pa sila ng mga naka-asul? Kung tawagin ay Dallas?”, pagtatakang tanong ni Mang Tomas. “Kala ko eh panalo na eh. Tinalo pa sila sa kanilang kort.”
“Abay uu. Pagkakalakas ng puti eh lalo na yung isa. Ay nakataas pa ang paa eh habang nasiyut. Pasok nang pasok eh. Kala mo’y inilalagay. Pagkakagaling!”
“Naku, ay natalo pa pala ang aking team eh. Kasaklap naman nuon. Kasama nang nangyari. Kung ako’y may kahon din, ay sya panalo yun.”
“Ala, hindi rin Tomas. Hindi mo ga masasabi kung anong mangyayari. Para din yaang gulong ng traktura mo. Minsan, kapag nasa inyo malinis, mamaya eh pagdaan sa putikan, ay tingnan mo’t pagkakadumi naman. Ay naku. Ang gulong eh minsan nasa ibabaw at minsan nasa mababa naman. Tama ga?”
“Ay gayun ga. Ay siya, hindi ko na aalsin ang aking traktura sa bahay nang di maputikan.”, ika ni Mang Tomas.
Moral Lesson: Tulad ng sabi ng kabaryo ni Mang Tomas, hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari sa atin sa hinaharap. Maaaring ngayon, nasa itaas tayo. Ini-enjoy ang mga meron tayo. Pero darating ang araw na kelangan nating makaramdam ng sakit, ng hirap. Hindi laging masarap. Hindi tulad ni Mang Tomas na di na daw aalisin ang traktura sa kanila para di na maputikan, dapat matuto tayong lumaban at makipagsapalaran sa buhay. Minsan madadapa ka, ngunit kelangan mong bumangon at maging malakas. Kelangang ipagpatuloy ang iyong buhay. Pano, sa mga nadapa, tayong bumangon at tayong manood ng NBA sa pambihira.net/nba.
thumbs up ako sa wow batangas website.at least pakiramdam ko ay hindi ako nahuhuli sa tabalits tungkol sa atin..keep it up guys…good luck…
ahm……..it is nice……