Ssshhhh… Ale eh wag nang maingay. Ika’y makinig na laang at magkukwento na ulet si Toto. Areng kwentong are ay pagbibidahan naman ni pareng Nino…
“Haay..Kapagod nmn maglinis ng bakuran. Maka-igib nga muna ng tubig sa balon.”,wika ni Nino na tagaktak na ang pawis sa mukha. Nadatnan nya ang isang palaka na nasa may gilid ng bunganga ng balon. Kinuha nya agad ang balde at itinapon ang palaka palayo.
Napatingin sya sa malinaw na tubig sa balon. Nakita nya ang kanyang repleksyon.
“Tsk… Ang pangit mo naman. Ang pangit mo.”, pasigaw nyang sabi.
Biglang may sumagot pabalik sa kanya.
“Tsk… Ang pangit mo naman. Ang pangit mo.”
Luminga-linga si Nino sa paligid para hanapin ang nagsalita ngunit wala syang nakita. Tumingin ulet sya sa balon at sumigaw.
“Sino ka bang pangit ka? Magpakita ka nga.”
Sinagot ulet sya ng isang tinig.
“Sino ka bang pangit ka? Magpakita ka nga.”
Nagugulat si Nino sa kanyang mga naririnig. Nalungkot sya sa pag-iisip na pati ibang tao, pangit din ang tingin sa kanya. Nagdesisyon syang di na lang kumuha ng tubig mula sa balon. Paalis na sana sya ngunit, narinig nya ang isang tinig.
“Kokak. Kokak.” Ang sabi ng palakang tinapon nya kanina.
“Ikaw ba ang nagsasalita kanina?” sabi ni Nino.
“Kokak. Hindi ah. Kokak… Tumingin ka ulet dito sa balon. Kokak.”
Kahit gulat na gulat sa palaka, muling tumingin si Nino sa balon.
“Alam mo Nino, ikaw ang nagsasalita kanina. Kokak. Ikaw at wala ng iba. Kokak. Ang buhay ay depende sa kung paano mo ito titingnan. Kokak. Ikaw ay ikaw depende sa iyong mga mata. Kung patuloy mong makikita na pangit ka at patuloy na sasabihing pangit ka, eh pangit ka nga. Kokak. Lalo kang papangit kasi yun ang nakikita mo. Kokak. Subukan mong tumingin ulet sa balon at sabihing gwapo ka. Kokak. Tapos pakinggan mo ulet ang susunod na tinig.” sabi ng palaka na walang tigil sa pagkokak.
Lumapit si Nino at nagsalita. “Ang gwapo mo.” Pagkatapos ay tahimik na pinakinggan ang susunod na tinig.
“Ang gwapo mo.”
………….
“Ang gwapo ko no?”, ika ni Toto.
Your beautiful…. your beautiful.. it’s true..