Breaking News

Smile =)

smile

—– O.. bakit ka malungkot?
Nakasimangot?
Umiiyak?
Nagmumukmok?

………

Dahil ba nadapa ka kanina sa may kanto tapos inintay mo na may tumulong sa ‘yo pero wala naman pala?
O kaya nakagat ka ng aso nung inutusan ka ng Ate mo na bumili ng mantika?

Dahil ba bumagsak ka kanina sa exam nyo? Kasi hindi ka nag-aral dahil akala mo e papatularin ka ng bestfriend mo na magaling sa Math. Kaso English ang exam..wala ka ring napala?
O dahil nalate ka sa klase kasi ang tagal umalis ng dyip na sinasakyan mo?

Dahil ba iniwan ka ng mahal mo at nagmamahal sa ‘yo? Hmm… pwede ding di ka nya talaga mahal kasi iniwan
ka nya.
O kaya, ilang taon ka nang nagmamahal pero hanggang ngayon wala pa ring nagmamahal sa ‘yo?

Dahil ba masarap ang ulam at napilitan kang kumain kahit alam mong diet ka?
O kaya masakit ang tyan mo kasi di ka pa nakain? o kain nang kain?

Dahil ba wala kang ginagawa?
O dahil parang balewala sa kanya ang mga ginagawa mo?

Dahil ba para sa kanya, lagi ka na lang mali kahit minsan tama ka?
O dahil para sa ‘yo, lagi ka na lang tama kahit minsan mali ka na?

—– Haaaaysss!! Ano bang mababago kung ikaw ay…

Malungkot?
Nakasimangot?
Umiiyak?
Nagmumukmok?

Mag-eevolve na ba si Pikachu?
Magiging bilog na ba si Spongebob SQUAREpants?
O, hindi ka ba madadapa? makakagat ng aso? babagsak sa exam? iiwan ng mahal mo?
matatakam sa ulam? mababalewala? magiging mali?

—-Hindi naman di ba? Gagawin mo lang malungkot ang isang buong araw mo..

Kaya…………………

Alisin na ang gusot sa mukha, tapos…

SMILE

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

2 comments

  1. Hahaha.. kala ko mahaba pa… napakamakabuluhan ng article na ito.. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.