Breaking News

Social Network Love Hunt

Sa panahon ngayon na uso na ang mga relasyong umuusbong sa mga social networking sites, may pamantayan pa ba sa paghahanap ng taong mamahalin?

Dear Miong and Julieta,

Hindi naman ho sa pagmamayabang, pero madami pong naaakit sa akin.

“Cute” daw po ako. Marami pong nagme-message sa akin sa FB, kumukuha ng number ko, at siyempre, kinikilig naman ako.

Tanong ko lang po kung ayos lang ba na pumatol ako sa mga “nagkakagusto” sa akin at ano nga po ba dapat ang pamantayan ng isang lalake pagdating sa mga babae?

Medyo matagal na din po kasi akong walang girlfriend at syempre gusto ko din naman pong magkaroon ng serious relationship.

Salamat po.

Justin Bibiron

Hey Justin Bibiron!

Payong kapatid to dre.

Gusto ko sa babae yung masaya kausap. Aanhin naman ang ganda kung cheverloo naman ang wavelength diga?

Ansama naman siguro kung puro kembelar na lang kayo. Hindi fulfilling yun lalo na kung seryosong relasyon ang hanap mo. (NOTE: Ang hindi umayon ay manyakis)

Ayun, tingnan mo muna ang wavelength ng kaniyang utak bago ka tumingin sa kung ano mang parte ng kaniyang katawan.

“Mas ok ang lollipop sa hipon,” ika nga Ka Suseng.

Mas maganda din na makita mo muna ng personal ang mga nagkakagusto sa’yo. Sa ganoong paraan makikita mo ang kaniyang kabuuan at hindi lamang ang kaniyang kaanyuan.

Maaring maganda siya sa profile picture n’ya tapos sa tunay ay mukhang tuhod lang pala.

P.S.
Sana may nagme-message din sa akin sa FB. Sana may nangunguha din ng number ko. Sana cute din ako.

Nakakainggit ka.

BUSET.

MIONG

Dear Justin,

Kamusta naman ang kahabaan ng EDSA este ng hairlelets mo? Pagupit ka kuya kahit konte.

Artistahin siguro ang level mo. Well ang pamantayan ay depende sayo. Maraming pagkakataon na may pamantayan nga sa mga babae ang isang lalaki pero once na tamaan ka ng mahiwagang pana ni Kupido, malamang hindi masunod ang pamantayan mo, wala naman kasing perpektong tao na lahat ng gustuhin mo ay tataglayin nya.

Talagang pumatol sa “mga nagkakagusto”? If i were you, kikilalanin ko muna kung sino man yang mga nagkakagusto.

Ang seryosong relasyon ay hindi basta basta, pinaghihirapan iyan at kung sa tingin mo naman ay mayroon kang natitipuhan sa isa sa kanila, go ahead. Kilalannin mo sya at kung ok na ok naman at sa palagay mo ay true love ang kahahantungan ng eksena ninyo, go! 🙂

P.S.
Miong, konti na lang yata at magdududa na talaga ako sa yo. Bekiness! :p

JULIETA

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.