Breaking News

When Love Just Ain’t Enough

What if love is not enough? What else do you need to do when you think you’ve given almost everything?

This week’s letter is from “B”. Kung ikaw ang nasa katayuan n’ya, anong gagawin mo?

Dear Miong and Julieta,

Two months ago, nagbreak kami ni M. At iniwanan nya ako ng mga salitang ito: “The problem is me, not you. Never ka naging problema. I just can’t be so unfair to you because you love me so much. You are giving too much. And I really don’t know how to give back the love and stuff to you. I think I have too much to do on my own. I love you, B.”

Mali ba na mahalin ko sya ng sobra? Hindi naman ako humihingi ng kahit anong kapalit. By the way, palagi kaming nagkakausap at minsan nagkikita. Busy lang sya sa trabaho nya. Mahal ko sya. Mahal din nya ako. Walang 3rd party. Walang problema sa pamilya.

Why love is not enough? What can I do about this? Two months na akong wala sa sarili ko. I want her back. What should i do? Hold-on or just let go?

B

Hey B,

Siya na pards ang love of your life. Ang masakit niyan, lumalabas na hindi ikaw ang love of her life. Mahirap tanggapin, noh? Mahirap.

“I just can’t be so unfair to you because you love me so much” — sa ibang salita: hindi ko nakikita yung mga nakikita mo. Kung naiisip mong magpakasal, ako hindi. Parang ganun.

Mahirap na’y masakit pa. Hold on or let go? Let go p’re.

Hindi worth it ang mga cheverloo pagkatapos mong ma-accept ang katotohanan na hindi niya kayang ibalik ang pagmamahal na binibigay mo. Hindi iyan mababago kahit mag hold on ka pa.

Oh, eto… technomarine.

Mali din na mahalin mo siya ng sobra lalo na kung kakaunti lamang ang naibabalik sa ‘yo. Oo’t naiintindihan ko na kaya mong magpakamartyr para sa kanya. Na kaya mong isuko ang iyong pride. Ganyan umibig ng tapat. Ganyan din umibig ang desperado.

Tsaka p’re bakit hindi ka nahingi ng kapalit? Love’s always a two way process. Tubong lugaw na si M nyan. Humingi ka sana kahit tatlong guhit lang. The main reason of our panliligaw is to make the girlies love us. Kung walang love from them, anu ka? Stalker?

Anong dapat mong gawin? Some things are better left undone. Let it take the natural course of fading away.

Nagkakausap o nagkikita kayo ngayon? Bukas nagkakatext na lang kayo. Sa isang araw titignan mo na lang pictures nya sa FB. Sa susunod iba na kasama nya sa profile pic nya. Tapos maiisipan mo na din mag move-on.

Ganyan pare minsan ang buhay. Our main weaknesses are the ones we love most. Masaklap lang when the ones we love most have other weaknesses.

‘To na lang: Ayos lang pare maging bitter basta huwag lang maging miserable. Let her be the only weakness of your life. Wala na tayo magagawa eh. :/

Sayang na yung two months ng buhay mo. ‘Wag mo na dagdagan. Ay mali pala. Baka magpakamatay ka nyan. Ang ibig ko sabihin e, huwag mo na dagdagan ang miserable days mo.

Ay leche, ang panget pa din. Basta gets mo na yun. 🙂

Loneliness is only a preparation for happiness. So yeah, think positive.
Only great things await you. 🙂

Endangered species na pare ang mga lalakeng tapat umibig. Congrats! 🙂

MIONG

Dear B,

Nakakarelate ka Miong?

Nakakalungkot isipin na may mga ibang kayang pakawalan ang taong sobra silang mahal samantalang maraming tao ang halos manlimos na sa katiting na pag-ibig.

You said you still love each other. You said you still communicate. But I think M needs some time alone. Thank her for being damn honest. Thank her for telling you that she can’t afford to reciprocate whatever you’ve given her. It took her a lot of courage, I guess.

Hindi maling mahalin mo sya ng sobra. Ang mali ay kung hindi nya naibabalik ang pagmamahal na dapat mong natatanggap. Sa kabilang banda, hindi naman dapat sinusukat ang pagmamahal, di ba? Yun nga lang kapag walang pagbabago, if from day one ikaw ang laging todo bigay kung magmahal, may problema nga.

So we’ve laid out the problem. This is what you have to think about yourself. Now, here’s what I think is the better thing to do. Gather up your senses. Lalake ka pa naman! We know how much you love her but hey, the world is not just about her and it’s not just about you either. Iikot ang mundo, mag-move on ka man o hindi.

Give it a time. Continue to be her friend but this time, wag na todo bigay. Hangga’t mahal nyo ang isa’t isa, may pag-asa pa. You probably both need a time to breathe. She may be finding herself. Hindi ikaw ang totoong nawawala sa sarili.

B, take things easy. There’s more to life than M. If you continue to be broken, sinong inaasahan mong bubuo ulit sa ‘yo?

Wishing you well,
JULIETA

P.S.
‘Eto kanta ko para sa ‘yo.

PHOTO CREDIT: secretlyloved.tumblr.com

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

4 comments

  1. hmmm…sa totoo lng cnu ba gagawa ng paraann para maging meserable bhay natin?d ba tau dn?chaka d ba hnd naman cnabi nung girl na mahalin mo siya at ibigay mo lahat2x s knya…yan ang mali sa ngmamahal ibibigay lahat tapos pagnasaktan anu?maninisi?manunumbat?yan ang maling pangunawa ng tao…chaka baka my mabigat na reason yung girl qng bakit gnun d ba?pero sa kabilang side tama dn naman ihh dhl ilan nlng yung lalakeng totoong magmahal…pero opinion lng nmn ito..dnt give 100% love…kc kw dn masasaktan sa huli…mgbgay naman khit knteng ispasyo para sa sarili mo…kc masakit mahirap masaktan…wg ka sna magalit sa commento q:))

  2. pero parte ng bhay ntn ang masaktan,magmahal, maging masaya at etc…cguro parte lng yan ng mga pasubok…hnd naman kc ni god ibibigay ang pagsubok na yan qng hnd mo naman kyang lagpasan ihh…ika nga nila learn from your own mistake d ba???yun lng and ciao…

  3. isang malaking TAMA!!.
    wlang perfect relationship.nsa inyong dalawa ung kung panu kau maghohold on.un nga lang c ms M ang unang bumitaw sau.just accept it!acceptance lang ang sagot jan mr B.madame pa jan.un kyang suklian ung pagmamahal na binibgay mu..ung ndi ka iiwan at sasaktan..matuto kang tumayo sa pakakadapa mu..or bgyan mu sya ng time para magicp.try mung iwasan sya para marealize nya kng anung halaga mu..minsan kc kpag alam ntin na sobrang mahal tau ng isang tao akala ntin ok lang na mwala sya..malalaman ntin ang importance ng isang bagay kpag wla na..kya MOVE ON!!!..but despite of that..saludo prin aq sau kua,,,konti nlng ang katulad mung lalake,, 😀

  4. well siguro nga dapa na magmove on yung guy lalo na kung di nmn kyng ibigay nung girl yung love na binibigay ni guy. ganito lang yan… para sa mga boys, “u cannot force a girl to love you BACK and show her care to you the way you love and care for her… sa girls nmn..’you cannot force a boy to love you AGAIN once he grew tired of loving and caring for you and did not receive anything from you…”…. well think of it…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.