Breaking News

Araw ng Manggagawa (Labor Day) sa Pilipinas, may halaga pa kaya?

Dahil Labor Day bukas, wala na namang pasok ang karamihan sa mga may trabaho sa bansa (maliban na lang sa mga BPO companies na hindi base sa Philippine calendar ang non-working holidays).

Maaaring sa henerasyon natin ngayon, naiiba na ang kahalagahan nito. Baka nga konti lang ang nakakaalam ng makabuluhang dahilan bakit naging holiday ang May 1, kung bakit may Labor Day.

Kasi sa mga nagdaang taon, ang Labor Day ay ginugunita sa pamamagitan ng kaliwa’t kanang protesta ng mga labor groups para ma-express ang kanilang mga hinaing sa gobyerno. Minsan lang hindi ko makuha yung point ng mga raliyista. Well, salamat na rin sa kanila kasi at least nalalaman natin na ganito at ganyan ang problemang kinakaharap nila.

Sana ganun na lang, i-express nila ang mga hinaing nila pero wala na sanang kung ano-ano pang paninisi sa kung sino-sino. Parang nakakatorete lang. Pasintabi sa mga kinauukulan. Yun lang.

How Filipinos observe Labor DaySa Pilipinas, unang ginunita ang Labor Day noon 1903 kung saan halos isang daan libong manggagawa na tinipon ng Union Obrero Democratica de Filipinas (UODF) ang nagmartsa papuntang Malacañang para hilingin ang mas maayos na pagpapatrabaho sa mga Pilipino. Nasa ilalim pa ng panahon ng mga Amerikano nung nangyari yun kaya nagulantang ang mga Kano at ipinahuli si Dominador Gomez, presidente ng UODF, dahil sa illegal assembly.

At sa kanila nagsimula ang Labor Day sa Pilipinas na kinamulatan ng lahat.

For I-don’t-know-how-much-percentage-of-the-Philippine-population, May 1 is another red letter day on our calendar. For whatever percentage of Filipinos, May 1 is another day to spend on a daycation (one day vacation) in their favorite resort or shopping mall.

May 1 signifies the hardships of laborers. Kung alam mo ang kahalagahan ng mga manggagawa sa ating bansa, dapat alam mo rin ang halaga ng Mayo uno.

Let’s thank them. In days where something is commemorated, a little thank you and appreciation still matter. At sa mga susunod na araw, maging mabait at patas tayo sa mga manggagawa. Ituring silang mahalagang bahagi ng workforce ng Pilipinas.

Photo: dadaarchive.chicago.indymedia.org

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

El Pasubat Festival 2023 at 450th Founding Anniversary ng Taal Batangas matagumpay na nailunsad.

Matagumpay ang tatlong araw na selebrasyon ng ika-450 na taon ng pagkakatatag ng Bayan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.