Ngayong umaga ay sinimulan na ang pagdiriwang ng Fiesta ng Kapeng Barako sa Plaza Independencia, Lipa City. Buong isang linggo magtatagal ang pagdiriwang (mula Oct 21 hanggang Oct 26, 2014), at kayo ay inaanyayahan namin na pumarine at makisaya.
Layunin ng pagdiriwang na imulat at bigyan ng kaalaman ang ating mga mag-aaral at mga mamamayan ng Lipa tungkol sa kasaysayan at kaalaman sa pagtatanim at paggawa ng kapeng barako. Umaasa ang mga nakilahok na maibalik ang sigla ng industriyang ito.
Kabilang sa mga dumalo ay ang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod ng Lipa, mga sundalo mula sa AETC, mga pulis, at mga guro at mag aaral mula sa iba’t ibang paaralan ng lungsod.
Mayroon ding mga tiangge at kainan sa gitna ng plaza (1st Grand Barako Bazaar) ang magtatampok ng kanilang mga produkto, pagkain, at serbisyo.
Ang Fiesta ng Kapeng Barako ay hatid sa atin ng City of Lipa, Lipa City Tourism Council, YWF Philippines, Globe Telecoms, Uncle Cheffy, Milk Joy, Partyonus at Lucky ZAM Pawnshop.