Breaking News

Mga Dapat Abangan sa Pagdiriwang ng Kapistahan ng Batangas City

Narito ang mga detalye ng pagdiriwang ng kapistahan ng Batangas City sa January 16. Makiisa sa mga mamamayan ng Batangas City at abangan ang mga bagong handog mula sa pamunuan ng lungsod.

PRESS RELEASE
Public Information Office
January 3, 2010
(043) 723 2344

May bagong makikita sa pagdiriwang ng kapistahan ng Batangas sa January 16. Ito ay ang Batangas City Fiesta Float Festival kung saan magpapabonggahan sa float ang mga business establishments at iba pang sektor na lalahok dito.

Kagunay pa rin ng mga inihandang gawain ng pamahalaang lungsod, gaganapin ang taunang Sto. Nino ng Batangan Fluvial Procession sa ika-7 ng Enero. Mula sa Basilica ng Immaculada Conception, ipaparada ang Sto Nino papuntang Wawa. Isasakay ito sa bangka sa Calumpang River patungo sa Calumpang bridge at kaagad susundan ng land procession sa city’s main streets pabalik sa Basilica.

Pormal na ipakikilala sa publiko ang mga kandidata para sa Bb. Lungsod ng Batangas 2011 sa pamamagitan ng isang motorcade sa January 8. Ipapakita nila ang kanilang angking galing sa Bb. Lungsod ng Batangas 2011 Talent Show sa ganap na alas singko ng hapon sa January 14 sa Bay City Mall. At ang paghirang sa Bb. Lungsod ng Batangas 2011 ay sa ika-pito ng gabi ng ika-15 ng Enero sa Batangas City Sports Coliseum.

Bukod sa taunang Alay sa Sto Nino Cultural presentations na isinasagawa sa Plaza Mabini Amphitheater gabi-gabi mula January 5 hanggang 12 at nilalahukan ng ibat-ibang paaralan sa lungsod, kabilang pa rin sa selebrasyon ng kapistahan ang Batangas City swimming competition sa January 9, Children’s Art competition sa January 11, Photo Contest at Children’s Art Exhibit sa Bahay ni Ka Tonying sa January 14 at 15 at ang Mini-band competition na nakatakdang isagawa sa araw mismo ng kapistahan (January 16) sa People’s Quadrangle.

Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay “Sa pagkakaisa ng mamamayan at pagpapala ng Maykapal, maipagpapatuloy ang kapayapaan, kasaganaan at kaunlaran sa lungsod ng Batangas”. (Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City)

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Vespa Clubs Tour Taal Lake, Celebrate LIMA Park Hotel’s 15th Anniversary

The Taal Lake Loop has been a popular route for motorcyclists. With scenic landscapes, asphalt …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.