Breaking News

Sina Ma’am at Sir sa Pagdiriwang ng World Teachers’ Day

October 5 is World Teachers’ Day. Araw nila Sir at Ma’am na nagsilbing ikalawang magulang natin.

Kung madalas tayong makarinig ng mga Teacher’s Pet, madalas din tayong mag-express ng ‘favoritism’ sa mga teachers natin. Tama? Sino ang pinaka hindi mo makakalimutang teacher noong estudyante ka pa?

Maraming dahilan kung bakit natin nagiging paborito ang isang particular na teacher. Pwedeng dahil maganda o gwapo sya. Pwedeng dahil sa nakaka-ride sya sa mga trip ng klase nyo. Pwedeng dahil bagets pa si Ma’am o Sir. Pwedeng dahil sa sobrang galing nya sa subject na itinuturo nya na para na s’yang diyos.

I was supposed to share my stories about my favorite teachers back then. Kaya lang, baka pag kinuwento ko sila, huntingin nila ako at pabalikin sa school. Aba, baka sila ang magulat pag nalaman nilang teacher na rin pala ako. Haha.

So ganito na lang. Tingnan na lang natin kung paano nag-e-evolve ang perspective natin sa ating mga teachers mula pre-school hanggang college. Hindi naman sa katuwaan pero gawin lang nating light at makatotohanan ang kwentuhan. 😉

Pre-school. We look at our teachers as a tita, a tito, or sometimes, a yaya. Nakakaloka, di ba?

Kindergarten. Dito na nagsisimula yung pangungulit mo sa teacher mo na para bang hawak nya ang lahat ng sagot sa mga tanong mo tungkol sa mundo. Part-time yaya pa rin kung minsan. Lalo na sa mga teachers na walang aide.

Grade School. Ang mga estudyante, nagiging little monsters. Si Teacher, nagiging giant monster. Walang bida. Ganun talaga. Lalo na ngayon na sobrang kukulit na ng mga bata. Parang sinasapian ng kung ano. Minsan akala mo 30 years old ang kausap mo, may sarili nang alam. Pag tinamaan ng kakulitan, lagot na sa gulo ng classroom, lagot din sa bagsik ni Teacher.

It was also during elementary days when we start looking at our teachers as our idols. Graders are keen observers. And they can be your worst impersonators, haha.

High School. Teachers in high school are considered either an older friend or our parents’ clone. May mga teachers kasi na ang sayang kasama, parang kabarkada lang, yung tipong leader ng grupo kasi syempre may authority pa rin.

May mga teachers naman na talagang ipapaalala sayo na sila ang second parents mo. Baket? Kasi parang nanay o tatay mo lang kung magdisiplina. Sa tingin ko, sila yung mga teachers na dapat i-clone sa buong Pilipinas. Mas uunlad kasi tayo kung bawat Pilipino, disiplinado. Tama o tama?

College. You know the situation in college is different. May instance na kilalang-kilala mo ang teacher mo lalo na kung major subjects mo ang hawak nya all throughout. May mga teachers naman na kahit buong pangalan nya hindi mo alam.

Sa level na ito, marami pang sub-classifications ang mga teachers. May mga nagiging tropapips after school. May mga nagiging subject of affection which will never be okay with the Ethics Code. May mga tinatawag na “The Terminator” sa sobrang bagsik. May mga E-teachers o “The Untouchables” – true to its sense, electronic lahat ng submission at electronic mo lang din makakausap.

Paano man natin sila itrato, sila pa rin ang mga teachers na ang papel sa buhay nating lahat ay hubugin tayo na maging mabubuting tao, hasain ang ating mga kaalaman, at gabayan tayo sa tamang landas. Gaya ng kung anong ginagawa ng ating mga magulang.

Pero kagaya ko, kagaya mo, hindi sila perpekto. Ganunpaman, hinding-hindi dapat nawawala ang pagrespeto natin sa kanila. At dapat nga, isa sila sa mga propesyunal na may pinakamalaking sweldo at pinakamaraming benepisyo para hindi mo na mapuna kung si Ma’am ay nagtitinda ng sundo’t saging sa classroom o ng beauty products sa faculty room.

Happy Teachers’ Day po sa inyo, mga Ma’am at Sir! 🙂

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Vespa Clubs Tour Taal Lake, Celebrate LIMA Park Hotel’s 15th Anniversary

The Taal Lake Loop has been a popular route for motorcyclists. With scenic landscapes, asphalt …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.