Because we can’t enough of the comments, suggestions, and discussions, eto na ang Part III ng Famous Words and Expressions in Batangas!
Dahil nga bumenta sa inyo ang Part I at Part II, this time, we asked our Facebook supporters kung anong terms ang gusto nilang i-share and here are some of their contributed Batangueño words.
From Pusa Kaneki — nakakaane (parang nakakainis)
From Angelica Armedilla — naampiyas (mahinang patak ng ulan) “Iyong isara ang bintana at naampiyas ang ulan.”
From Joy Hernandez Añonuevo – hambo (maligo) “Pagkahirap gang humambo pag naulan, ay malamig.”
From Marlyn Dela Cruz — pumanaog (bumaba)
Ikaw bata ka, pumanaog ka nga dine.
From Michael Florendo Grace — bang-aw (informal use: slow ang brain cells) Mga walang alam..kadali dali ng sagot eh..kababang-aw naman ng mga ire.
From Neil Munoz — magarute (mapalo) “Ala pa eh makauwi na’t baka magarute pa ako ng inay ng lanubo ng kakawate!!”
From Billy Martinez — pumuyangit (makihalubilo, makisiksik) “Pagsagaling nareng pumuyangit.”
From Marie Gonzales Cabarrubia — malibag (maduming damit) “Ay nalabhan na ga ang malibag na narine?”
From Marilyn Manuel — apuyan (posporo) “Sino ga ang kumuha ng apuyan dine sa abuhan?”
Marilyn also gave out guyam (ants) which was previously published in Part I. Others contributed terms which are Tagalog terms but not really of Batangan origin like ‘magtahip’ or to blow off the chaff from grain (from Ellen de Castro) and ‘kampit’ or knife (from Henry Dipasupil). And Rodrigo Caraos commented ‘karingot’ which I suppose is ‘kapirangot’ (little amount). Thanks though! 😉
Romalyn Cabungcal of Tanauan contributed ‘taro’ (timba or pail) and basin (arinola). Thank you!
Gusto n’yo pa ng Part IV? Ay tama na naman! Hahaha. Seriously, you can comment or contributed anytime you want. Pag nakaipon na ulit ay di saka ang fourth installment. 😉
Ma-garote… Ma is prefix, garote is root word from the Spanish word. meaning assasinate,
ano sa batangas ang magalang?
Magalang din po. 🙂
tnx po
.. ano pa sa batangas ang kami po ay natutuwa na kayo ay nag enjoy. salamat po