Kani-kanina lang, lumabas ako para magpa-load sa tindahan sa tapat ng office. Still thinking of what to blog about, hinayaan ko na lang muna na matapos yung transaction nung isang bumibili at di na ako nag-abala pang lumipat ng ibang tindahan dahil (1) ang init maglakad at (2) nakakatamad.
And then this young boy, sweating and carrying a basketball, stood beside me, waiting for the store owner to notice him. Just like me who didn’t say “Pa-load po”, the boy didn’t utter “Pabili po” until it’s my turn. Nakisabay pa ang bata sa pagsasalita ko at mukhang uunahan pa ako.
Yun pala, he wants to buy ice candy. At ito ang totoong dahilan kung bakit ko ginawa ang post na ito. Namimiss ko na ang ice candy na ginagawa ng nanay ko tuwing summer. Ang flavor? Melon na may gatas. Yum.
Dati, sari-saring flavor ang ginagawa ng nanay ko at minsan ang tita ko. Minsan gawa lang sa Milo, minsan mangga, buko, avocado, gatas na may pinipig, o kaya naman pag gawa sa juice, orange, grapes, strawberry. Anong paboritong flavor mo?
Sikat na ngayon ang buko salad. Yun pala ang may ilan pang naglalako dito sa amin. Madalas isa na lang ang kayang kainin sa sobrang tamis. Ikaw, gaano kadaming ice candy ang nakakain mo noong bata ka pa? Ako minsan tatlo sa isang araw. Maya’t maya, may nagbubukas ng ref, kaya kinabukasan, ilan sa aming magpipinsan ang ubong-ubo o may tonsilitis. Haha.