Breaking News

Happy Birthday, Alva!

Sa pormalang pagpapakilala, s’ya ang napakahusay na Graphic Artist at Multimedia Head ng WOWBatangas at Likha Internet. Pero para sa amin, s’ya si Papa Alvs, ang mascot ng WOWBatangas. Joke lang 🙂

Today, he is celebrating his bleep-bleep birthday (hindi ko na lang babanggitin kung pang-ilang birthday na n’ya at baka ipa-delete lang din mamaya, haha). So for everybody who would like to know ALVA a little bit more, here’s our little chitchat.

Note: Kung mapapansin n’yo, hindi ko inedit ang mga sagot ni Papa Alvs. Ganyan talaga s’ya mag-type ng mga interviews na s’ya mismo ang nagco-conduct, haha. Para lang s’yang ang idol kong si Ricky Lee, he’s breaking all the rules. 🙂

D: Nung bata ka, inisip mo ba na paglaki mo magiging magaling kang pintor?
A: Hindi.

D: Was it because someone inspired you or pushed you to develop your craft?
A: Gusto ko lang siya talaga gawin kasi pakiramdam ko marami ako napapasaya kapag nakita yung gawa ko. 🙂

D: Ano ang madalas mong ipinta?
A: Mga nakapikit na mejo mamula-mula.. Yun kasi paborito ko kulay. ahehe.. Tsaka hirap ako mapalabas ang emosyon kapag mulat kaya pinapapikit ko na ang ang mga obra ko.

D: Bakit hindi Fine Arts ang kinuha mo nung college?
A: Ayaw ng mame eh.. saltik nga ako dun, pero suabe lang. kung nag-fine arts ako… baka hindi tau nagkasama -sama. ahihihi.

D: As a graphic artist, you think may connection pa din ito somehow sa pagiging pintor mo?
A: Oo naman. ito kasi yung naging pundasyon ko sa nga ginagawa ko ngaun. ayun nga lang, parang nagbago lang ako ng medium na imbis na sa papel o canvas ako nagdedesign,sa computer naman. pero parehas din lang halos. 🙂

D: Paano ka naging member ng LAPIS?
A: ahmm.. pinakilala ako ni thanx ng guitartutee.com sa isang member ng LAPIS, si Kath Beredo. tapos un, tinanong ko kung pano sumali sa grupo. Nagsubmit ako ng sample ng aking likha at laking pasalamat ko naman kasi naappreciate nila ang gawa ko at tinanggap nila ako ng napakainit. tanda ko andun pa nga si Kuya Bo, Tito Alex, si Kath at Griego. Sumali nga pala ako dun kasi gusto ko din matuto ng ibang style mula sa kanila at makapagshare din ako ng kung anong meron ako. (malay mo matuto din sila kahit konti.) hehehe.

D: Which one do you enjoy more? Digital art or Art on canvas?
A: parehas lang pero mas fulfilling sakin kapag nakalikha ako ng art sa canvas. ewan ko pero iba ang pakiramdam. pag kasi nagpipinta ako, ginagawa ko siya hindi dahil gusto ko lang, kundi dahil me kwento sa bawat isa sa kanilana gusto kong ibahagi sa makakakita.

D: Sino idol mong pintor?
A: ung tito ko, si charlie Angelo Laluna. tito din to ni Dyan! ahehehe. kundi dahil sa kanya hindi naman siguro ako mahihilig sa pagpipinta. bago kasi siya pumanaw eh pinamanahan niya ako ng sang katerbang canvas, at oil paint, at doon na nagsimula ang lahat.

D: Sino ang pangarap mong ipinta?
A: pangarap ko … ang hirapa naman.. ahahhaha. teka.. mukhang wala pa naman sa ngayon. pero pag nagsimula na akong mangarap, sasabihin ko agad. 🙂

D: Bukod sa pagpipinta at graphic designing, i-share mo ang iba mo sa ating readers ang iba mo pang pinagkakaabalahan.
A: ahmm, mahilig ako gumala. sobra. ahahaha. kahit wala lagi pera gala pa din. bisekleta kapag wala masyado ginagawa. pag naman mga long weekend, naakyat kami ng bundok ng mga kapanalig dyan. pag nakaka-chamba naman ng mga promo sa eroplano, aion! shoot agad. sakay ng sakay.kahit walang pera dale na din. hehe. next week pa-camiguin kami! hehehe. sarap. (pero wala pa ding pera. baka me gusto magpalimos jan?) hehehe. ayun. ung mga bakanteng oras ko, kung ano lang matripan basta steady lang .hehe.

D: Sa lahat ng lugar na napuntahan mo, alin yung hinding-hindi mo pagsasawaang balikan?
A: bundok ng pulag siguro. kasi parang ibang mundo kapag nandun. kakaiba. di mapaliwanag eh.. kakaibang tanawin. napakahusay.

D: What was the craziest adventure you had?
A: pumunta kami baguio ng mga tropa ko. wala kami lahat pera pangyosi lang halos. 5 araw un. pero nakasurvive kami. saya. hitch lang. tapos sa templo kami natulog. sa mga prabhu. Hare krisna temple un kaya pagbaba namin. puros vegitarian na kami.hehe. ang sarap magluto ni prabhu ben grabe. aios! panalo un. da best!

D: Kapag walang trabaho, I spend the day _____________.
A: with my loved ones. 🙂 (nakanang)

D: Kilala din ako sa tawag na ____________.
A: kidlat

D: The best thing/s about being part of WOWBatangas is/are ______________.
A: working with you guys. 🙂 salamat. 🙂


Happy Birthday Papa Alvs! We love you. Yihee!

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Project KaLIKHAsan Immerses Local Artists in Plein Air Session at Mt. Gulugod Baboy

45 Batangueno artists participated in the KaLIKHAsan Project at Mt. Gulugod Baboy on February 24. …

No comments

  1. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa…
    salamat.. ahahahaha.. barik tayo!! woOooo. 🙂

  2. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa…
    salamat.. ahahahaha.. barik tayo!! woOooo. 🙂

  3. Happy Birthday Papa Alvs! Mas matanda ka na saken! Hehe.

  4. Happy Birthday Papa Alvs! Mas matanda ka na saken! Hehe.

  5. Happy birthday Papa Alvs, ililibre mo pa ako. hehe.

  6. Happy birthday Papa Alvs, ililibre mo pa ako. hehe.

  7. Napakasarap ng manok na hayin mo Papa Alvs! Sana araw-araw berday mo! 🙂

  8. Napakasarap ng manok na hayin mo Papa Alvs! Sana araw-araw berday mo! 🙂

  9. Nakakaloka si Papa Alvs, ang galing mo naman pala bumili ng regalo eh. I’m so proud of you! hahahaha..

  10. Nakakaloka si Papa Alvs, ang galing mo naman pala bumili ng regalo eh. I’m so proud of you! hahahaha..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.