Breaking News

Jejemon, Bekimon at Pambansang Wika

Ang isa sa mga bagay na pinakamahirap gawin, ay ang magsulat gamit ang salitang Filipino. Sa katunayan, hinahangaan ko ang mga taong tuwirang nakapaglalahad ng kanilang ideya at saloobin gamit ang wikang ito. Alright, enough. Hindi ko naman talaga kayang panindigan na gamitin ng tama ang straight Filipino sa mga ganitong blog posts. Hindi ko maiiwasang mag code switch at gumamit ng Bekimese paminsan-minsan. (Parang weather lang.)

At dahil literal na nagbabago ang panahon, nababago rin ang pamamaraan ng tao ng pag-gamit at pag-sulat ng wika. At ito na nga ang panahon ng Jejemon at Bekimese/Bekimon. So ngayon ang mga tanong ay: Is it a welcome change? Nakatutulong ba ito sa pagpapaunlad ng wika? Ating himayin.

Changing Times
Ngayon, maari nating sabihin na ang panahon ng “jeproks” ay laos na. Noong 80’s, ang panahon ng “Bagets” usong uso ang pagbabaligtad ng mga salita like dehins, goli atbp. Sa katunayan, sa panahong ito nauso ang kantang “Nosi Ba Lasi” na syang pinakasikat na halimbawa ng uri ng salitang mayroon ang mga Noypi noong dekada 80. Pero it’s more of a fad at di kalaunan ay namatay rin ang paggamit ng tao sa mga salitang ito.

Hindi ba at ganito rin ang kinahinatnan ng salitang “jologs” na sumikat nito lang nakaraang ilang taon? I’m sure konti na lang din sa populasyon ng mga kabataang Pinoy ang gumagamit nito. Mas type na nating ulit ulitin ang mga salitang malimit gamitin ng mga sikat na artista like “wagas” “kalurky” at “astig” at kung anik anik pa.

The Jejemon Invasion
Dahil umuunlad din ang teknolohiya, naging instrument din ito ng pagbabago ng wika. Dito pumapasok ang Jejemon. Kung ang bekimese ay stylized way of speaking, ang Jejemon naman ay stylized way of encoding words like “e0H., w3r r U?” (Hello, how are you?) Ansabe? Hindi masyadong pahirap ito di ba?

I have nothing against those people, specially the youth who are using jejemon in texting. At in fairness sa kanila, mahirap mag encode at mag decode nito. Pero syempre, hindi ito dapat gamitin sa mga pormal na pagkakataon at sitwasyon. Hindi ito dapat magreflect sa mga sulating pormal, essays, reports and researches ng mga mag-aaral. Sana ay hanggang cellphones na lang ang mga jejemon conversations na ito at huwag nang umangkin ng espasyo sa mga papel ng bata sa eskwelahan.

Lingwaheng Beki
“Sinetch itey na jundalong na Luz Valdez sa warlaloo?” Ito ay mild Bekimese at marami ang makaka-decode ng ibig sabihin ng pangungusap na ito. May mga ilang bersyon pa ng Bekimese na talaga namang Epistaxis (the medical term for nosebleed) ang aabutin mo kapag iyong narinig. Ang mga bading, bakla o beki, ang mga pasimuno sa mga ganitong klaseng usapan. Kalimitang ginagamit ang mga pangalan ng mga prominenteng tao sa pag describe ng mga bagay bagay. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: “Bitter Ocampo, Hagardo Verzosa, Tom Jones, Stress Drilon at kung anu-ano pa. Kung minsan naman, dinurugtungan ang mga salita ng mga katagang “bels, etch, laloo” tulad ng keribels, itech at girlaloo. Ayon sa isang kaibigang bading, this is one of the ways daw para maitago sa ilang nakaririnig (non-bekis) ang small chismisan. Ito rin ay isang malikhaing paraan ng pagpapahayag ng kanilang mga saloobin.

Di kalaunan ay dumami na rin ang gumagamit ng mga salitang itey. Nakaka-aliw naman nga kasi. Tila lumubas na rin ang mga salitang ito sa nanganganak at dumaraming gay communities. Kaya sana naman ay hindi nito tuluyang ma-ungusan ang Filipino language. Sana ang Bekimese ay isang creative and entertaining feature lamang ng ating kinagisnang salita.

Sa Madaling Salita
Hindi natin mapipigilan ang paglawak at pagbabago ng salita. Parang fashion lang din kung saan may kanya-kanyang panahon ang mga kulay, patterns at yari ang mga damit. Ang mga jejemon at bekimese ay maaring manatili o kaya naman ay mawala. At kung kailan at paano, yan ay hindi pa natin masasabi. Ang mahalaga ay sa kabila ng pag-usbong ng ganitong mga uri ng paggamit ng wika ay nananatili at kinikilala pa rin ang wikang Filipino bilang ating wikang pambansa.

Sabi nga ni Carmelita Abdurahman ng Commission of the Filipino Language “Isa lang ang wika sa mga nagbabago sa mundo. Hayaan lang nating lumaganap ito dahil napapayaman nito ang ating wika.”

Narito naman ang ilan sa mga nakatutuwa at kakaibang salitang Batangenyo.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DiveWithGab Plunges Deep, Shares Awesome Under Water Photos of Batangas

The province of Batangas brims with natural wonders. From the paved (and unpaved!) trails that …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.