Breaking News

3rd GDN Karera ng Kabayo De Kabig para sa turismo sa Sitio San Isidro, Brgy Pulo, Talisay, Batangas

Ginanap noong ika-26 ng Setyembre ang ika-tatlong GDN’s Karera ng Kabayo De Kabig para sa Turismo sa Sitio San Isidro, Barangay Pulo, Talisay, Batangas. Ito’y nagsisilbing day off ng ating mga kababayan naghahatid ng mga turista sa bunganga ng bulkang taal gamit ang kanilang mga kabayo. Ang mga kabayong ito ang kaakibat ng mga tourist guide at syang naging pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayang nakatira sa paanan ng bulkan.

Malaking bagay para sa mga kumunidad dito ang mga programa na tulad nito upang mas mapalawig ang turismo sa bulkang Taal at mabigyang pugay ang masisipag na mamamayang nakatira dito.

Higit sa tatlumpong henete ang nakilahok kung saan dalawang kalahok ang magkakarera at ang mananalo ay papasok sa susunod na rounds hanggang sa umunti ng umunti ang mga kalahok. Makikita mo sa mga hiyawan at talunan ng manunuod kung gaano ka intense ang bawat karera. Hindi magkamayaw sa pagsilip kung sino na ba ang nauuna at kung paano ito mauungusan ng nahuhuling kalahok. Dagdag pa ang santing ng init at paglubog ng paa ng mga kabayo sa buhanginan sa labanan kaya kailangang mahusay talaga ang hinete.

Naroon sina KGG Punong Bayan Gerry D. Natanauan, Talisay Batangas Chief Tourism Operations Officer Ms Len Barba, Mataasnakahoy Tourism Officer Rodante De Leon at Provincial Government Assistant Dept. Head Jaida Castillo.

Larawan ni Edison Manalo, Hero Robles, Jester Magsino at Jeremy Mendoza

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.