Naantala man at hindi natuloy ang ilan sa mga aktibidades noong ika-23 ng Hulyo dahil sa malakas na buhos ng ulan dulot ng Bagyong Josie ay di naman napigilan ang selebrasyon ng 49th Batangas City Founding Anniversary | Sublian Festival 2018 sa Batangas City. Sa katunayan ay daan-daang tao ang matyagang nag-abang ng pagparada ng naggagandahan at naglalakihang float sa taunang Sublian Float Parade. Labing anim na floats ang nakilahok sa kompetisyon kung saan kailangan nilang maging malikhain sa paggamit ng indigenous materials at mga naggagandahang bulaklak. Isa din sa pamantayan ay ang pagiging akma nito sa temang “Sublian Festival: Ipagdiwang Lungsod ng Batangas”.
Nagkaroon din ng patimpalak sa pagsayaw ng subli na sinalihan ng (4)apat na paraalan sa Elementary Category, (8) Walo naman ang lumahok sa Junior/Senior High School at College level at (11) labing-isa grupo naman sa community category. Tatlong bersyon ng subli halaw ang kanilang mga inihandang piyesa na mula pa sa Talumpok, Batangas City, bayan ng Bauan at bayan ng Agoncillo.
Layunin nito na mapreserba ang ating kultura lalong lalo na ang Subli na syang isa din sa ating mga pagkakakilanlan.
Naroon naman upang sumuporta at manuod ng tagisan ang kagalang-galang na Batangas City Mayor Beverley Rose Dimacuha at Congressman Marvey Mariño.
Listahan ng mga nagwagi:
Sublian Float Parade 2018
Best Float : SM City Batangas
2nd Place : Malampaya
3rd Place : Saint Patrick’s Hospital and Medical Center
Sublian Court Dance 2018
Elementary Category :
1st Place : Saint Bridget College, Batangas City
2nd Place : Kalati (Sinala Elementary School)
3rd Place: SBCA PAO Siklab
Junior High/Senior High at College Level Category:
1st Place : Batangas State University (Diwayanis Dance Theatre)
2nd Place : Batangas National High School
3rd Place : Marian Learning Center & Science High School
Community Level :
Champion : BSU Diwayanis Dance Theatre
2nd Place : Diwayanis Alumni
3rd Place : Sta Teresa College Community Group
LGU Category :
Champion : City ENRO at City Budget
2nd Place : City Accounting Office
3rd Place : General Services Department (GSD)
Larawan ni Eric Dale Enriquez, Winston Cinco, Edison Manalo