Breaking News

5th Fujifilm Nationwide Photowalk sa Lipa City, Batangas


Nagtipon tipon ang mga Litratista na nagmula sa iba’t ibang dako ng Batangas upang makilahok sa ika-5 taon ng Fujifilm Nationwide Photowalk sa Lipa City, Batangas. Ito ang ika-tatlong pagkakataon ng pagsali ng mga Batangenyong Litratista sa taunang Photowalk na ito na pinangunahan ni Angelo Fan. Hinihimok na sumali ang mga Fujifilm at Non Fujifilm Camera User na pumunta sa isang lugar at kumuha ng mga larawan sa isang partikular na lugar at may temang “5” o “lima” para sa ika-5th year na pagdiriwang nito.

Noong 2015 ay ginanap ang nasabing Photowalk sa Batangas City at napili naman ganapin sa Lipa ng magkasunod ng taong 2016-2017. Maaga pa lamang ay nagtipon tipon na ang mga kalahok sa harap ng San Sebastian Cathedral at sinimulan ang pagkuha ng larawan sa mismong Simbahan.

Bukod sa isa itong photowalk ay isa rin itong patimpalak para sa mga Fuji Camera Users. Pipili ng Top 100 photos para sa isang exhibit at ang grand winner naman ay magkakamit ng Fujifilm X-t20 at ang first at 2nd runner ups ay mananalo ng Fujifilm X-A10 at ang third at fourth runner up naman mag bibigyan ng instax SQ10 Camera.

Gayon pa man ay hindi alintana ng ating mga kababayan ang kompetisyon sapagkat higit sa mga premyo ay mas nais nilang makipag bonding, matuto at kumuha ng larawan kasama ang kapwa Batangenyong Listratista.

Larawan ni Angelo Fan, Ryan Tibayan, Jeremy Mendoza, Joel Mataro, Albert De Guzman

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.