Breaking News

9th Scott Kelby’s Worldwide Photowalk sa Lipa, Batangas

9th-scott-kelbys-worldwide-photo-walk-17Hindi pa man gaanong sumisikat ang araw noong ika-1 ng Oktubre, 2016 ay sama sama nang nagtipon ang ilan sa litratista mula sa iba’t ibang parte ng Batangas para sa 9th Scott Kelby’s Worldwide Photowalk sa harapan ng San Sebastian Cathedral. Bagaman unang beses kong sasali sa gantong photowalk ay ito naman ay pang Siyam na beses na Photowalk na ng Scott Kelby at ito ay taon taon ginaganap sa iba’t ibang parte ng mundo sa pangunguna ng tinatawag na Photowalk Leader. Ang aming photowalk leader ay si Sir Jeremy Mendoza na kilala din bilang isa sa mga mahuhusay na litratista dine sa atin.

9th-scott-kelbys-worldwide-photo-walk-15Kitang kita mong excited na ang lahat habang nagkukwentuhan kung saan pwedeng pumunta at habang iniintay na din ang iba pang mga kalahok. Napagdesisyunan namin na unahin puntahan ang San Sebastian Cathedral dahil andun na din kami at napakaraming pwedeng subject sa loob at labas ng simbahan. Pagkatapos naman namin dito’y dumiretso kaming lahat sa loob ng palengke ng Lipa kung saan halos ginalugad na namin ang buong palengke. Nakisiksik, nasiksik, nabasa, napawisan pero tunay namang ngiting ngiti pa din habang kumukuha ng larawan ng mga tao. Sinamantala na din namin ang pagpunta dito at kumain ng goto sa itaas na bahagi ng palengke ng Lipa. Sabi nga ng ilan, pagkatapos ng photowalk ay photoeat naman. 😀

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso naman ang lahat sa Community Park upang tagpuin ang iba pa naming mga kasama at muling makwentuhan sa mga kaganapan sa aming buong maghapon. Bagaman ito’y isang paligsahan at lahat kami ay magkakatunggali, mas nangibabaw pa din sa amin lahat na ang ipinunta namin duon ay ang makakilala ng ibang mga kaibigan at matuto.

Ito ang ilan sa mga larawan na aming nakuha sa 9th Scott Kelby Worldwide Photowalk:

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.