Breaking News

Alitagtag Festival of Lights 2021

Alitagtag, Batangas | December 15, 2021

Isang virtual celebration ang idinaos sa Municipal Gymnasium ng Bayan ng Alitagtag kasabay ng pagpapailaw sa plaza at harap ng Simbahan ng Invencion De La Sta. Cruz Parish sa pangunguna ng Hon Mayor Edilberto Ponggos, Sangguniang Bayan Members at Alitagtag LGU. Kung nuo’y dinadayo natin ang Alitagtag para sa kanilang May Flower Festival ngayong taon ay sa unang pagkakataon ay nagdaos sila Festival of Lights upang mas iparamdam ang pagdating ng pasko at pag asa sa pagtatapos ng pandemyang hatid ng COVID19.

Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Ang liwanag sa ating tahanan na diyos ang pinagmumulan”. Nagkaroon ng presentasyon ng mga entries ng Tiktok Challenge at awarding para sa mga nanalo. Ipinakita din ang kanilang Christmas AVP kung saan tampok ang Hon Mayor Edilberto Ponggos, Sangguniang Bayan Members at Alitagtag LGU Employees habang kumankanta sa saliw ng “Family is Forever” ng ABS CBN.

Tampok din ang pagbibigay parangal sa mga natatanging Alitagtagueño tulad ni Direk Henry King Quitain na isa mga utak ng mga pinanunuod nating mga sikat teleserye sa telebisyon at Ar. Teofilo Catanyag na syang iskultor ng rebultong tribute para sa mga COVID19 Heroes and Frontliners.

Pinakita din sa pamamagitan ng isang AVP ang future project ng Bayan ng Alitagtag, ang “Alitagtag Business and Recreation Center” at ang kanilang website na magiging malaking tulong at mapakikinabangan sa hinaharap ng mga mamamayan ng Alitagtag.

Binigyang pugay din ang mga namumuno, barangay functionaries, LGU Employees na syang naging mga Frontliners at patuloy na nag seserbisyo ng buong puso nitong panahon ng pandemya. Bagaman alam nilang mahirap at delikado para sa kanila ay kanilang ginampanan ang kanilang sinumpaang trabaho.

Nagkaroon din ng EGP Pangkabuhayan Raffle kung saan tatlong masuswerteng mga Alitatagueño ang mapipili na bibigyan ng puhunan pang negosyo sa tulong ng DTI at MSWDO. Makakatanggap ng 50,000 ang ikatlong pwesto, 100,000 ang ikalawa at 150,000 ang grand winner. Sadyang napakaganda ng pasok ng 2022 para sa mga maswerteng mananalo.

Pagkatapos ng programa’y nagsimula na ang pagparada at pagpapailaw sa plaza at simbahan.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

National Food Showdown Flaunts Batangueno Cuisine, Pushes for Local Delicacy Innovations

University of Batangas- Lipa Campus hosted the 15th National Food Showdown (NFS) with a theme …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.