Photos contributed by Sir Rendell Basit
Isa sa mga masasabi kong natatagong hiyas ng probinsya ng Batangas ang Ambon-Ambon Falls na matatagpuan sa Laurel, Batangas. Minsan na nakapunta ang WOWBatangas Team sa Ambon-Ambon Falls noong nakaraang taon at talaga naman napanganga kami sa paghanga sa ganda nito. Tinawag itong Ambon-Ambon Falls dahil malayo ka pa sa Falls ay mistulang umaambon na dahil sa lakas ng agos ng tubig na mula sa tuktok ng falls. Maraming dumarayo at humahanga sa ganda nito maging mga lokal na mamamayan man o mga turista mula sa ibang bayan. Malayo layong trekking ang gagawin mo bago mo marating ito pero sulit na sulit naman ang punta mo. Pwede ka din dumaan sa Malagaslas Spring para maligo at magbabad sa napakalinis nitong tubig.
Kaya tara na! Wag maging dayuhan sa sariling bayan. Hindi mo na kailangan dumayo pa sa malalayong lugar sapagkat dito sa atin ay marami nang magagandang pasyalan at natural attractions . 🙂
One comment
Pingback: Laurel Batangas Aerial Bago Pumutok ang Taal | Himpapawid Ep 1 | WOWBatangas.com - Ang Official Website ng Batangueño