Breaking News

Ang Bakasyon, Ang Batangenyo at Ang Basketbol. Bow.

Malamang sa hindi ay hindi makukumpleto ang ating bakasyon kung walang paliga ng basketbol. Maaring ito’y paliga ng mga barangay (inter- barangay), ng mga purok (inter- purok), ng mga munisipalidad (inter- town) o ng mga kulay (inter- color, hehe).

Ang sabi, ang ganitong uri ng mga kompetisyon ay para sa ating mga kabataan—para daw makaiwas tayo sa mga masasamang bisyo at para ibuhos ang ating oras sa mga gawaing makakapag- palusog o makakapag kondisyon pa sa ating katawan.

Pero lasa ko’y hinde.

Dahil kung yun ang dahilan, baka langawin ang kort.
Sa katotohahan, para sa aming mga players, ang ganitong mga kompetisyon ay ginawa para ipakitang mas magaling kami dun sa kabilang barangay—pride, kumbaga.

Dahil ang isang koponan o ang isang manlalaro, kapag nanalo, ay nagkakaroon ng karapatan para magyabang. “uy, pare kita mo ‘yung lay up ko kanina? Lamon e, no?”; “pare ang galling ni pitong, ano? Buzzer beater eh! ; “pare ung chicks kanina kinindatan ako nung naka foul counted ako”— mga ganoong tipo.
Tutal nabanggit na din naman ang mga players. Susubukan ko narin silang ikategorya base sa mga dibisyon ng mga edad at batay na rin sa aking karanasan. At sana nama’y ipagpatuloy mo ang iyong pagbabasa.

Mosquito Division

Sila yung mga batang pagkaliliet. Sa sobrang liet ay halos hindi umabot ang kanilang mga three point attempts kahit ibalibag na nila ang bola; ang free- throw line nga nila ay mas malapit ng ilang dipa kesa dun sa kinagawian. Pero nakakatuwa din silang panuorin lalo na kapag nandoon ang kanilang mga ina na inaabutan sila ng tubig, pinupunasan ang kanilang mga likod, mga na bigla na lamang tumatakbo sa gitna ng kort pag nadadapa ang kanilang mga anak, at siyempre, nakikipagsigawan (at minsan nakikipag- away) pag nakitang ang kanilang mga anak ay nagugulangan.

Junior Division

Sa kategoryang ito pinakamaraming nanonood na babae. Siguro sa karahilanang ang kanilang mga edad ay “pwede na” para magkaroon ng belabed one. Maraming mga babaeng (at binabaeng) tumitili pag nakakashoot ang kani- kanilang mga boylet. Madami din namang boylet na sabay-tingin sa mga bababe pag naka shoot. At marami ding mga tatay na gustong mang- upak.

Senior Division

Sa lahat ng mga dibisyon, ito ang aking pinakapaborito. Pero hindi dahil ako’y senior na (pang junior pa lang ang aking edad!) pero dahil nandito yaong sa tingin ko’y mga pinakamagagaling na player. Hindi man sila sinliksi nung mga bata sa junior division, pero nababayaran naman ito ng kanilang mga karanasan– ng kanilang mga veteran moves. Ang mga players sa dibisyong ito ang makakapagpatunay na hindi lahat ay nadadaan sa bilis; na ang basketbol ,din, ay nadadaan sa mga well executed plays, sa footwork, sa paggamit ng backboard para matamo ang magagandang angulo ng tira, at syempre, ang masalimuot na sining ng pagkamagulang– as in paggamit ng daya- tactics para makalamang ng hindi napipituhan ng ref– para manalo.

Women’s Division

Kung ako’y walang kasintahan, kataasa’y eto ang pinakapaboritong category ko. Oo nga’t madami din sa mga kababaihan ngayon ang mas magaling pang mag basketbol kesa sa akin. Pero hindi din naman kasinungalingan na mas masayang panuorin ang mga babaeng animoy hindi alam ang gagawin pag nakahawak ng bola, mga travelling violations bawat tatlumpung segundo at syempre mga maiikling shorts. Hay, ang sarap nilang panuorin. Kaso me gelpren ako e. Labyu. 

Over aged

Kala mo magaling sila. Kaya pala magaling, limang taon na silang overaged. Yung tipong pang junior na e sa mosquito pa rin naglalaro. Usong- uso itong mga ganitong mga players lalo na sa mga inter- purok leagues na hindi ganoon kalinaw ang mga mata pagdating sa pagtingin ng mga birth certificates.

Mga amoy chico

Sila yung mga naglalarong mga nakainom. Hebi Pare! Amoy Empi Lights ang pawis.

Mga amoy dragon

Mas matindi sila sa mga amoy chico. Ang galing ng play nila. Laging isolation. Sa sobrang lupit kahit mga kakampi hindi makapuwesto.

MVP

Ang pagiging MVP ay pangarap ng bawat basketbolista. Sila yung mga nasa inter- barangay palang pero ang kalibre ng paglalaro ay pwedeng- pwede na Sa UAAP o PBA. Madalas, ang mga taong ito ang nagbuhos talaga ng oras sa paglalaro. Ang paglalaro ng basketbol sa gabi at ang panununod ng NBA sa umaga malamang ang bumubo sa magdamag nila.

Bangko Sentral

Ang mga bangko ay yung mga player na nangangalay ang mga puwet kakaupo. Madalas silang makikitang nakitingin sa coach—na may nagmamakaawang mata—para sa pagkakataong kanilang inaasam. Sa haba ng kanilang “vacant” time ay madalas pinipili na lamang nilang makipagtext at makipagkilala sa mga nanonood.

Japorms

Para silang si Allen Iverson kung manamit. Kumpleto mula head band, shoulder support, wrist band, arm band, elbow support, knee support, ankle support— mukha silang support.

Boy Kisig

Me napanood ako dati na taong pinaglihi ata sa cramps; kasi halos bawat quarter basta na lamang siya natutumba sabay hawak sa binti. Ginawa nang lahat sa kaniya: pinagpahinga, tinalian ng straw ang binti at minasahe. Pero wala pa din e.

Barako

Sila yung mga pikon na kapag natalo ay magpoprotesa; kesyo daw merong import yung kabila o luto daw ang laro o kung ano ano pang mga achuchu. ‘Pag hindi napagbigyan e aabanagan ang kalaban o ang reperi sa labas. Kasasalaw baga.

Sportsmanship Awardees

Sila yung mga kabilang sa koponan na hindi manalo. Binibigyan sila ng sportsmanship award, pampalubag loob. At syempre, para sa kanilang good manners.

Masaya talaga pag bakasyon. Lalo na dito sa Batangas na samo’t sari ang mga tao. Sa basketball court pa lamang ay busog na busog na ang mga diwa nating naghahanap ng aliw at nagmamalaki ng kani- kaniyang lugar.

Nawa’y walang mag- away at maaksidente sa ating mga paliga! Goodlak sa inyo- inyong mga koponan!

Photo credits:sdmags.net; handsunseen.blogspot.com; floresville.isd.tenet.edu

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.