Breaking News

Si Hot Papa at Ang mga Butas sa Bakod

Si Hot Papa at Ang Kanyang Pasensya - Maikling Kwento

“Toto, bunutin mo nga areng pako sa may bangko’. Nakausli na eh.”

“Uho Inay.”

………….

Si Hot Papa ay dating isang pangkaraniwang bata sa isang maliit na baryo. At dine nya natutunan ang isang mahalagang bagay.

Kabilis uminit ang ulo ni Hot Papa. Mabilis syang magalit sa kanyang mga kalaro o sa kahit sinong nang-iinis sa kanya. Di nya ito mapigilan lalo na kapag sobrang napapahiya na sya. Madalas syang nakakasakit ng ibang tao. Minsan kahit sa isang salita lang.

Tinuruan sya ng kanyang mamay ng paraan upang humaba ang kanyang pasensya. Pumunta sila sa isang lumang bahay kung saan may magandang bakod na kahoy.

“Sa tuwing magagalit ka o maiinis, e pumunta ka laang sa bahay na are. Sa loob may makikita kang mga pako at isang martilyo. Gusto kong magpukpuk ka ng isang pako sa bakod na are.”

Ginawa nga ni Hot Papa ang sinabi ng mamay. Sa unang linggo, sobrang dami ng kanyang naipako sa bakod. Sa sumunod na mga araw, unti-unting natutunan ni Hot Papa na kontrolin ang kanyang galit at habaan ang kanyang pasensya. Unti-unti ring nababawasan ang mga pako na kanyang ipinupukpok sa bakod.

Dumating ang araw na pinuntahan nya ang kanyang mamay. “Mamay, di na ho ako madaling magalit o mainis. Kaya ko na hong konrolin ang sarili ko. Hindi na ho ako naglalagay ng mga pako sa bakod kasi hindi na ho ako naiinis.”

“Gayun ga. Sige bunutin mo isa-isa ang mga pako.”, ika ng mamay.

Sumunod si Hot Papa sa kanyang mamay. Lumipas ang araw at nabunot na nya lahat ng ipinako nya sa bakod.
“Lolo, tapos ko na pong bunutin lahat ng mga pako.”

“Sige, halika. Sumama ka sa ‘kin. Nabunot mo na lahat ng mga pako. Natutuwa ako sa ‘yong bata ka dahil natutunan mong wag agad magalit. Pero may isa ka pang dapat matutunan. Nakikita mo ga ang mga butas na are. Ang mga butas na naiwan dahil sa mga pakong inilagay mo? Ang bakod na are ay hindi na mababalik sa dati. Iho, kapag nagagalit ka, nakakagawa at nakakapagsabi ka ng mga bagay na masakit. Ang mga iyon ay nag-iiwan ng pagkalaking sugat sa isang tao. Naglagay ka ng pako sa bakod na ito at binunot mo nga pero kahit nabunot mo lahat ng pako, di mo maaalis ang mga butas na naiwan. Ganun din sa mga taong nasaktan mo, kahit ilang beses kang humingi ng tawad, maiiwan pa rin ang sugat na dinulot mo. Sana may natutunan ka iho.”

………

“Ina’y, nabunot ko na po.”

Ang kwentong ito ay hango sa kwentong “Bad Temper”.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

National Food Showdown Flaunts Batangueno Cuisine, Pushes for Local Delicacy Innovations

University of Batangas- Lipa Campus hosted the 15th National Food Showdown (NFS) with a theme …

2 comments

  1. sagad, tagos na tagos sa kaibuturan ng aking damdamin…galing!

  2. sagad, tagos na tagos sa kaibuturan ng aking damdamin…galing!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.