Breaking News

Ang Mang-aaliw

“If you love me, you will keep my commandments. And I will ask the Father, and he will give you another Advocate to be with you always.” (John 14:15) An advocate is someone who is on our side to defend us. That is what the Holy Spirit does. He is our advocate, our defender. Against the onslaught of error and sin, he is here to protect us. When we find ourselves in the midst of trials and tribulations, he will strengthen us. If we come face to face with temptations, he will deliver us from evil. And when we are in sorrow he will console us.

Totoo yan, aaliwin niya tayo sa kabila ng maraming hirap at sakit sa mundo. Kay buting kaibigan ang Diyos. Lagi natin siyang kapiling sa presensiya ng kanyang Banal na Espiritu sa atin. Ang kailangan lamang ay magbukas tayo upang siya ay patuluyin. Kung hindi natin siya bibigyan ng puwang sa puso natin at isipan, mananatili tayong patay, walang buhay sapagkat di nananalaytay sa pagkatao natin ang hininga ng Diyos, ang Holy Spirit.

Ang dala niya ay pag-ibig. Taliwas ito sa espiritung dala ng mundo: ang madilim na diwa ng pagkakanya-kanya, kasakiman, kahalayan, katakawan, inggit, galit, katamaran at kapalaluan. Pride ang madalas nating problema. Subalit sa sandaling hayaan nating maghari sa ating buhay ang Espiritu ng Diyos, mapapawi ang kasamaan sa atin at ito’y mapapalitan ng pagmamahal.

Aliwin nawa tayo ng Espiritu ng Diyos sa gitna ng marami nating mga pagtitiis at kahirapan. Palakasin nawa niya ang loob natin sa pagpapasan ng ating mga krus araw-araw. Tanglawan nawa niya ang bawat hakbang ng ating mga paa sa landas ng buhay. Gabayan nawa niya tayo tungo sa tamang pagpapasya. Ipagtanggo nawa niya tayo laban sa kamalian at kasamaan. Kailanman hindi niya tayo iiwan.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.