Breaking News

Ang mga Eksena sa Unang Araw ng Pasukan

This is the time when your mind, your body, and your heart struggle to work together in unison. Uh-oh. Vacation’s over. Hello, Teacher!

Nakaka-miss din maging estudyante. Bibigyan ka ng baon, ipaghahanda ng nanay mo ng kakainin tuwing umaga para siguraduhing makakatagal ka sa klase buong araw na hindi ka hinihimatay. Tapos pagdating mo naman sa school, chika ka lang ng chika. Hindi naman. Slight lang.

First day of a brand new school year. Nakakakaba. Nakakatakot. Pero exciting. Lalo na sa mga freshmen na bago ang school, bago ang mga tao, bago lahat.

‘Eto ang mga eksena tuwing first day of school. Tips na rin ito on how to survive the dreaded first day. 😉

The lahat-bago-parang-Pasko Mode. Uso ‘to sa mga grade school students at sa mga high school freshmen. Pasikatan sa bagong mga gamit. Kumpleto ang set ng crayons, buo ang pad paper, magkakapareho ang tatak ng school supplies. Ang sarap gamitin! Amoy department store pa!

Target: Crush. Hindi muna papasok sa classroom hangga’t hindi pa nagri-ring ang bell kasi baka may gumagalang cute from the higher level o sa kabilang section. Magpapa-cute muna sa crush na mukhang bida sa teenybopper show sa TV. Enter “Crazy Little Thing Called Love” video clips.

Informal Theme No.1: My Most Unforgettable Summer Vacation. The night before the first day of school, dapat gumagawa ka na ng draft nito. Uso ‘to sa amin nung grade school kami. Ngayon kaya?

Team Geek vs. Team Cool Crowd. Where do/did you belong? ‘Etong eksenang ‘to talamak sa high school level. The high school population is divided into four: the geeks (may makakapal na salamin, nasa honors list, bida sa academics), the cool crowd (varsity team players, cheerleaders, saka yung mga nilalaban sa campus pageants), the future Miriams and Tulfos (mga members ng student body o ng student newspaper), and the wallflowers (pampadami ng student populace).

memories of First Day of School | BatangasPlaying Teacher’s Pet o Teacher’s Enemy? Sa first day pa lang ng klase, alam mo na yung mga teachers na magiging sakit ng ulo mo. Kung sino yung walang ibang gagawin kundi mag-assign ng reports na pagkahaba-haba at kung sino yung hinding-hindi mo lilibanan ang klase (siguro kasi cool, ala Ramon Bautista o Lourd de Veyra, o siguro kasi gwapong P.E. teacher, ala Derek Ramsay).

Pagkatapos ng masinsinang pagkalkula, alam mo na kung kanino ka magiging pet at kanino ka magiging suki ng lumilipad na chalk.

The Endless Search for ‘TBA’. I once experienced having an official enrollment form that 70% of the classroom assignments were TBA or ‘to be announced’. Dati mapapatawad mo pa yung mga nagtatanong kung nasaan ang TBA. Ngayon, hindi mo alam kung lalayasan mo na lang o tititigan ng masama kasi baka nga naman walang TBA sa lugar nila. Chos.

Agawang Base: Official Tambayan at Lunch Table Kapag Breaks. Kapag may mga kabarkada ka, madaling maghanap ng lugar kung saan kayo tatambay kapag recess or saan ang pwesto nyo kapag lunch na. Dapat first day of school pa lang alam nyo na ang pinakamagandang spot sa school. At araw-arawin ang pagtambay kung ayaw maagawan.

Saang Row Ka? Noong elementary, existing na ang discrimination sa klase. Bakit? Kapag matalino ka Row 1 agad at alam mo na kung anong classification mo kapag nasa Row 4 ka. Hindi ba pwedeng alphabetical na lang lagi?

Speaking of alphabetical seating arrangement, makikipag-agawan ka pa sa upuan at tatabi sa mga ka-berks mo, yun pala may seating arrangement naman. Swertihan na lang yan base sa apelyido.

Walang Kamatayang ‘Introduce Yourself’ Routine. Siguro naman may ibang gimik ang mga teachers ngayon kung paano mag-instruct ng pagpapakilala sa klase. There are so many fun ways for students to introduce themselves, gawin nating light, err, exciting.

Bukod dito, marami pang mga eksena at nagaganap tuwing first day of school that will either make or break a good start for a new school year. But no matter how your first day turns out, you still have at least 199 days to make the school year fun and fruitful.

I still firmly believe that education is the key to one’s brighter future. Education is not a privilege, it’s a right. Sulitin ang bawat araw at bawat sentimong ginagastos ng mga magulang mo para bigyan ka ng magandang edukasyon. Maraming batang nagsisikap na makaipon ng ipangtutustos sa sarili nilang pag-aaral. Huwag aksayahin ang bawat pagkakataon.

P.S.
‘Wag isuot ang mga ito kung ayaw mong mapansin sa first day of classes.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

“Puso ng Paglilingkod: The Josefa Llanes Escoda Musical” tells life of celebrated heroine

Lipa City Actors Company (LAC)’s “Puso ng Paglilingkod: Josefa Llanes Escoda Musical” is based on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.