Breaking News

Ang mga Iba’t Ibang Klase ng Estudyante

Kagaya ng mga libro sa library at mga bulaklak sa nursery, may mga classifications din ang mga estudyante na nagbibigay buhay at kulay sa isang classroom.

Walang buhay ang isang classroom at pwedeng wala ring challenge para sa teacher kung iisang uri lang ng estudyante meron ang klase nya. Different personalities pose different stories. At pagdami ng pagkakaiba, pagsaya. Uhmmmmm. Not at all times though. Kasi pagdami ng pagkakaiba, minsan, paglaki ng problema. Haha.

Back in my senior year in college, I was able to handle different sets of students. May section na para akong may mga kausap na manika at toy figures. Nakaupo lang sila at nakatitig sa akin the whole period. Meron namang section na parang cast ng isang teen-oriented show. Punong-puno ng tuksuhan sa mga classroom love teams plus may mga kontrabidang bully at pa-bibong pang commercial ng hotdog.

Let’s try to classify the different types of students. Saang category ka kaya kasali?

types of students, funny article, classroom

A1 (hindi yung boy band)

Sila yung mga nagkukumahog makakuha ng perfect score sa lahat ng quizzes, major exams, recitations, projects, etc. Sila yung mga batbat ng A’s at uno ang class card kada term. Sila rin yung mga frequent visitors ng library at nabubugnot kapag may one mistake sa exam.

Showtimers

Eto yung mga estudyante na madalas excuse sa klase kasi may practice para sa variety show, school program, o kaya ay para sa isang inter-school competition. Looking forward sila sa pull-out sa klase at madalas may additional point sa major exams.

The Boyoyongs

Mga class clown. Yung uri ng pagiging class clown nila eh depende sa kung sinong peg nilang komedyante. Pag becky ang class clown, ala-Vice Ganda ang mga hirit. Kawawa sa kanila yung mga heavyweights at patpatin. Pag witty at old school ang pagpapatawa, pang Iskul Bukol yun, ala-Tito, Vic and Joey. Pag babaeng bakla, pang-Pokwang ang hirit. Sila yung mga hindi dapat masyadong nabubusog kapag lunch break kasi pag inantok sila sa klase na pang-1PM, baka may humaharok na sa likuran.

Kolorete Queens

Sila yung mga estudyante na laging tambay ng comfort rooms. Dahil doon may malaking salamin. Sila yung may colored map sa mukha at hindi maaaring pawisan dahil magmumukhang art project ang fez pag nagkataon. Kelangan din matching ang lahat ng gamit. Sila yung mga favorite kulitin ng susunod na category.

Heartthrobs

May iba’t ibang pegs din ‘tong mga campus heartthrobs. Syempre kung sinong sikat ang kinakikiligan ng mga teenage girls sa kasalukuyang panahon, yun ang gagayahin nila ang porma at style. Sila yung mga laging nangungulit sa mga kikays.

The Astroboys (or Astrogirls)

Laging nasa kalawakan ang puso at diwa. Lipad lagi ang isip kumbaga. Under na rin ng category na ito yung mga Daydreamers sa klase. Yung literal na nananaginip ng gising na kapag tinawag ng teacher para sumagot sa next question ay umaasang mabait ang mga katabi at didiktahan siya ng sagot.

P.E. Majors

Sila yung mga P.E. – palaging exempted – sa P.E. classes. Player yan eh. Ginagastusan sila ng school para mag-uwi ng medalya at karangalan sa inter-school sports meet. Nasa category din na ito ang karamihan sa mga Heartthrobs. Tuwing intramurals, sila ang bida. Tinitilian. Isinisigaw ng mga Kikays ang pangalan nila. Pinupunasan ng pawis at parang malapit nang sambahin.

Editors

Sila ang mga pasimpleng kontrabida sa buhay ng mga teacher. Matalas ang mga tenga nila sa grammatical errors at kung ano-ano pang pwedeng punahin sa mga teacher at maging sa mga classmate nilang walang kamalay-malay.

Wallpaper

Popularly known as wallflowers. Para maiba lang. Sila yung mga parang nakadikit lang sa dingding na mabibilang mo lang sa daliri ng kamay mo ang mga araw na narinig mo silang magsalita sa loob ng classroom buong school year (maliban tuwing may graded recitation).

These are just some of the types of students you might have known before or are currently dealing with now in school. Nakakainis man yung iba minsan, hindi kumpleto ang student life mo kung hindi mo makikilala ang mga klase ng estudyanteng ito. 🙂

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

BatStateU sets up first Metal and Engineering Innovation Center in the Region

Batangas State University- Malvar Campus is once again leading engineering innovations in CaLaBarzon as it …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.