Breaking News

Ang Pilipino, ang Pelikula, at ang mga Pelikulang Pilipino

Mahabang panahon nang bahagi ng mga buhay natin ang mga pelikula. Milyong tao sa mundo ang nabubuhay sa paggawa ng pelikula, bida man o extra, direktor o taga-timpla ng kape sa set.

Ang mga Pilipino, madalas sumakay sa trend. Alam mo na, pop culture. Kung anong sikat at pinagkakaguluhang pelikula, yun ang pipilahan. Syempre, kasi nandun yung curiosity kung bakit pilit na pino-promote ng mga bidang artista ng pelikulang yun na “hindi nyo to dapat palampasin” o “hindi kayo magsisisi pag pinanood nyo to”.

Ikaw, anong standard mo sa pagpili ng pelikulang papanoorin?

Aminado ako na madalas Hollywood films ang pinapanood ko sa sinehan. Sorry naman. Uy, pero walang magtataas ng kilay dyan ha. Nanonood rin ako ng mga Pinoy movies sa big screen lalo na kapag si John Lloyd Cruz ang bida. Okay, baba ang kilay.

I’m such a big fan of movies. Isa rin ako sa mga kaisa sa pop culture madalas. Pag tingin ko magiging blockbuster hit ang isang pelikula, pumipila ako sa sinehan. Pag type ko ang bida at maganda ang story line, okay, pila sa sinehan. Pero kapag tingin ko hindi sya magiging hit pero type ko ang bida, aabangan ko na lang na ipalabas sa TV. Haha.

Eh anong genre ng pelikula naman ang type mo? Romantic-comedy (romcom), horror, action, drama? 2D o 3D?

Filipino Movie Culture - Indie Films - Blockbuster Films - PhilippinesMaraming pelikula ang nagiging blockbuster hit dahil: (1) sa amazing digital effects, (2) nakaka-intriga ang kwento, (3) sa abs ng bidang lalake. Pwedeng joke lang yung pangatlo.

Kung iisipin mo, sa dalawang factors lang naman nakasalalay ang kagandahan ng isang pelikula: magaling ang cast at maganda ang kwento. Gawin mo palang tatlo, kasi dapat magaling din ang production staff sa pangunguna ng henyong direktor.

Is the production outfit important for a film to be a blockbuster hit? Not at all times. Just like our award-winning indie films.

The decade we are in unrolled the red carpet and flashed the spotlight on to independent filmmakers. These new breed filmmakers are who the industry hopes to be following the footsteps of Lino Brocka, Joel Lamangan, and the ones we very well know today.

Ito ang panahon kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang mga bagong direktor na ipakita ang mga talento nila sa likod ng kamera. Isa ang Cinemalaya Independent Film Festival na nagbibigay daan sa mga mahuhusay na bagong direktor at ang kanilang mga kwentong nabuo sa bawat frame, bawat anggulong nakunan.

This year, many of the movie industry’s mainstream actors (big names, in fact) have supported independent film makers in their Cinemalaya projects. Coco Martin, tagged as the prince of independent films, is making a comeback with a Cinemalaya 2012 finalist, “Santa Niña”.

Dawn Zulueta is part of “Ang Nawawala”, Dennis Trillo leads the cast of “Ang Katiwala”, while Jodi Sta. Maria and Mylene Dizon are part of “Aparisyon”.

Jump to this link to view the complete list of Cinemalaya 2012 finalists and the screening schedules.

Buhay at makinang pa rin ang industriya ng pelikulang Pilipino. Maaaring malakas ang hatak ng mga foreign films sa box-office pero may panlaban pa rin tayo kung kwento at husay rin lang naman ng mga aktor ang pag-uusapan.

Marami kaming kilalang may potential din na makagawa ng magagandang pelikula. Sana magtugma ang tamang panahon at magandang opportunity para sa mga young independent at short filmmakers na meron tayo dito sa Batangas.

Apart from the films that made it as finalists in the New Breed Full-Length Feature and Directors Showcase categories ng Cinemalaya 2012, meron pang 10 pelikula under the Short Film Category na dapat n’yong panoorin. Oh ayan, nagtutunog promoter na ko, makumbinsi ka kaya?.

Tangkilikin ang pelikulang Pilipino. Relax. See a movie. 😉

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.