isang araw sa bahay ni Hot Momma!
Hot Momma: Mare! Kamusta na ga?
Tisay: Ay are, natanda na nga ata.. Medyo nagiging “huli” (syn. makakalimutin) na nga eh..
Hot Momma: Ay bakit mo naman nasabi ayan mare? Baka naman ayan ay guni-guni mo laang? hehe…
Tisay: Ay un na nga mare eh.. Sobrang makakalimutin ko na ngay-on! Alam mo ga eh minsan eh naakyat ako ng hagdan, tapos napatigil ako sa gitna.. Ay biruin mo eh hindi ko alam kung ako ga eh papanhik o bababa.
Hot Momma: Naku grabe naman yan! Ako eh makakalimutin din, pero hindi naman ganyan kalala! (pabulong…) wag naman po sana akong magka gay-on lord. (sabay knock on wood) tok! tok! tok!
(makatapos kumatok…)
Hot Momma: Saglit lang mare ha? May tao ata… May kumatok eh.