Breaking News

Asan n U? D2 lng ME – God

Higit na kilala sa bansag na Tatlong Hari ang araw na ito na noong una ay nakatakda sa ika-6 ng Enero. Pero sa totoo ang Tatlong dumalaw kay Hesus ay hindi mga hari kundi mago. Sila’y mga taong nagsasaliksik ng kaalaman ukol sa mga bituin. Bilib ako sa kaalaman nila dahil talagang napakalalim. Alam nila na ang “bituin” ay di sa langit titingalain kundi sa lupa tutunghan. Ang bituing tinutikoy ko ay si Hesus, ang sanggol sa Belen na dinalaw nila.

three kings And Jesus revealed himself to the Magi. He is not a hidden God who is “from a distance” as a song goes; he is not somewhere out there too high to reach and just watching us from afar. No, he is right here with us, within our reach, he is in our midst. Kaya kung akala mong malayo ang Diyos, ang araw at pagdiriwang na ito ang magtutuwid sa pag-iisip mo. Narito ang Diyos at kapiling natin.

He reveals himself. Lahat daw ng nangyayari sa buhay natin ay pahayag ng Diyos. May mensahe siya sa atin sa pamamagitan ng bawat taong ating nakakasalamuha natin at, sa likod ng mga pangyayaring nagaganap sa atin araw-araw mabuti man o hindi. Ang malungkot lamang ay hindi ito nagiging pahayag sa atin at hindi nakakarating sa pandinig natin dahil hindi tayo nakikinig at di natin Siya pinapansin. Masyado tayong abala sa maraming bagay at lagi tayong naririndi sa maraming “ingay” ng mundo. Di tuloy natin marinig ang tinig ng Diyos sa kaibuturan ng puso natin.

Hindi naman kasi Siya tulad ng batang mahilig magpapansin. Kung mahilig siyang magpapansin, eh di dapat puro milagro na lang araw-araw ang magaganap sa paligid natin. Hindi siya ganun. God is a quiet God. We can only get his message if we have the capacity to listen to his silent voice. This is what we need to learn day by day. Huwag sanang masayang ang bawat pagkakataon na pahiram sa atin ng Diyos.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

No comments

  1. very inspiring and enlightening!!! you know when it comes from the heart… it touches your soul. So blessed to have Fr. JOJO MENDOZA in this website!!! HAPPY NEW YEAR!!! GOD BLESS and MORE POWER!

  2. very inspiring and enlightening!!! you know when it comes from the heart… it touches your soul. So blessed to have Fr. JOJO MENDOZA in this website!!! HAPPY NEW YEAR!!! GOD BLESS and MORE POWER!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.