(Ulat mula sa PIO) Nagbabala ang mga awtoridad ng Pamahalaang Guam sa mga Filipino online job-seekers hinggil sa mga nanlolokong websites.
Ang mga websites na www.guamgeneralhopital.com at www.westernpacifichospital.com ang tinukoy na mga scam websites.
Ayon sa ulat mula sa Guam ang mga nabanggit na websites ay nangangalap at tumatanggap ng mga applications para sa mga Nurses sa dalawang hospital, na umano’y pinangalanang Guam General Hospital at Western Pacific Hospital.
Subalit ayon sa Philippine Consulate General sa Agana, Guam, ang mga nasabing pagamutan umano ay non-existent. Nag-iisa lamang umano ang hospital sa bansang guam at ito ay ang Guam Memorial Hospital.
Ini-imbestigahan na umano ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) ang dalawang scam websites, ayon sa Consulate-General.