Breaking News

Bamboo Christmas Tree sa Calatagan, Batangas

Isang kakaibang Christmas Tree ang matatagpuan sa Calatagan Park, Poblacion 3, Calatagan, Batangas. Kakaiba dahil gawa ito sa Kawayan na isang indigenous material na matatagpuan sa Calatagan. Kaya naisip ng Lokal na Pamahalaan ng Calatagan na ito ang gamitin sa kanilang Christmas Tree ngayong taon na bukod sa mas nakatipid ay naishowcase pa nila ang gamit ng kawayan.

Inabot naman ng halos dalawang linggong pinagtulong tulungan ng mga lokal na mamamayan at lokal na pamahalaan ang anim na metrong Bamboo Christmas Tree at naging selfie spot na din ng mga taga Calatagan. Ayon nga kay Ms Julie Anne Diño ng Department of Tourism Calatagan ay ito ay hindi lamang dekorasyon ngunit representasyon ng mga mamamayan ng Calatagan. Tulad ng mga kawayan ay buklod buklod at nananatiling matibay miski bumagyo.

Ito’y maaring dayuhin at puntahan hanggang katapusan ng Enero 2019 habang bumibisita sa magagandang beaches and resorts sa Calatagan.

Larawan ni Angelo Peter Delacruz Javier

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.