Breaking News

Barikan sa Looban

Matapos ang napakasarap na kainan sa piyestahan, ano nga ga ang sunod? Ay ano pa eh di siempre ang walang kamatayang “barikan!”.

Lahat halos ng okasyon dito sa Batangas ay laging present, ika nga ang inuman o barikan. Nataunan naman na ang bayan ng Lipa ay nagdiwang kahapon ng kanilang kapistahan at siempre hindi kami papaiwan diyan. makatapos pa laang ng parada ay dumiretso na kami sa bahay ng isa sa aming mga ojt na si Cathy at doon kami dumayo ng amusal. Talaga namang almusal pa laang eh parang nasagad na agad ang aking mumunting tiyan.

Makapahinga ng kaunte ay lumarga na ulit kami sa sunod na bahay. Sa may Granja naman napadpad, doon kina Kokok Labindalawa na talaga namang di matatawaran ang mga kakaibang putaheng handa. Kahit medyo busog na eh di pa din mapigilan ang sariling kumain ulit. Kahit sino naman ata eh hindi kayang tiisin ang “Lumpiang Ubod” ng lola ni Kokok, ang Leche flan ni jane, ang mga ulam na hindi ko na alam ang tawag, at ang pampaganang mangga na nabili ni Ms. Gerlie sa mamang naglako sa labas na isinawsaw sa alamang.

Tamang antok kaming lahat kaya napagkaisahang magperya muna. Pantanggal ga ng antok…
at ng maubos na ng panaya eh dumiretso na kami sa bahay naman nina Bb. Christine Mayor. Ako ay talagang namang busog na ngunit sumubo pa din ako ng kaunte dahil hindi ako pamilyar sa nakahain na namang ulam na isang chef daw ang kumana. Nang matikman ay napakanin na nga at napabulos pa ng isa.. matapos ay napagdiskitahan ko ang sinturis na nakaumang sa lamesa. Tamang tama laang pantanggal ng umay sa dami kong nakain maghapon. ang sarap nun!

Madami pang nakapila na pwedeng pamiestahan ngunit naghiwahiwalay na muna kami dahil humahapon na at may barikan pa akong pupuntahan. Hehehe.. Doon naman ako napasuot sa may Barangay Sabang at napainom ng kaunte. Nagkataon namang karamihan ng mga tambay eh “barik na” kaya kakaunti na kami. Di ko laang alam kung nakailan ga kaming bote noong gabing yun pero ako’y ika nga eh talab! (may hangover pa akong kaunte habang nagkekwento dine. hehehe) Madaming nakahaing pulutan pero ang na-tripan ko sa lahat ay ang Salciadong Tilapia na may pinya. Wala ding kawala sa akin ang Adobong mani/ Roasted Highland Legumes ika nga ni Manny, at minatamis na tamang bumalanse sa panlasa’t pagkaumay. Hindi na ako umabot sa Calderetang Kambing at sa tahong ngunit ayos laang (pahuli huli eh.. hehe). Umuwi akong tamang antok at paglapat ng aking likod sa kutson eh talaga namang animoy na-K.O.

Wala akong dalang sasakyan noon, dahil wala naman akong madadala kaya nagbyahe na lamang ako. Kaya kung dadayo kayo ng inuman at may sasakyan kang dala ay magsama ka na din ng magmamaneho para kung sakaling mapaulot eh malayo ka sa disgrasya kaibigan. Kung wala naman eh di alalay laang para chilax. sa susunod na fiesta ulit! mangumbita ka naman! hehehe. Happy Fiesta Lipeños!

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.