Breaking News

Batangas Earth and Wind Festival Season 4

2017-01-29 Batangas Earth and Wind Festival Season 4 46
2017-01-29 Batangas Earth and Wind Festival Season 4 38

Kahapon, ika-28 ng Enero ay ginanap ang ika-4th Season ng Batangas Earth and Wind Festival sa Batangas Greenvale, Brgy. Malabanan, Balete, Batangas sa pangunguna ng LIMA Park Hotel at First Asia Institute of Technology and Humanities  kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang angking galing sa pag panhik-panaog sa matatarik at pababang Bike Course.

Alas-singko pa lamang ay nagsimula na magsidatingan ang mga grupo ng siklista mula sa iba’t ibang parte ng CALABARZON. Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pagtungo ng mga siklista mula sa Batangas Greenvale papuntang Munisipyo ng Balete at duo’y binigyang diin ng kagalang galang na Punong Bayan Leovino Hidalgo na nais nyang gawing pugad ng Eco-Tourism ang Bayan ng Balete at nais nyang maging Biking Capital ito ng South Luzon. Pakatapos nito’y sinimulan din agad ang Non Competitive Uphill Biking na magsisilbing warm up nila sa parating na MTB XC Race.

Nagkaroon din ng Exhibition ng mga magagara at nakatutuwang mga RC Cars and Planes. Giliw na giliw ang bata at mga child at heart habang pinapanuod ang mga RC Planes na bumabalentong at umiikot sa ere. Gayon din ang exhibition na ginawa ng FAITH Squadrone sa pagpapalipad ng kanilang mga drones.

Nais naman nilang anyayahan muli ang lahat sa kanilang mga parating na events tulad ng Karipasan na magaganap sa unang linggo ng Febrero at Bisikleta Iglesia na magaganap sa Abril kung saan magbibisita Iglesia ang mga kalahok sa mga magagandang Simbahan dine sa ating sa Batangas.

Para sa kumpletong impormasyon, manyaring bumisita lamang sa Official Facebook Page ng LIMA Park Hotel

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.