Breaking News

Pumasyal, Pumalaot, at Lumipad kasama ng Batangas Lakelands ng LIMA Park Hotel

Simula’t sapul noong mg bata pa tayo, halos alam na natin ang mga puntahan dine sa Batangas. Ngunit nakita mo na ga ang mga dati nyong ginagalaan mula sa himpapawid?

Ang Batangas Lakelands ang pinakabago at talagang pinaghandaang TOUR dine sa lalawigan. Handog ito ng LIMA Park Hotel, sa kanilang pagnanais na ipagmalaki ang gandang taglay ng Batangas sa palibot ng lawa ng Taal.

Kumpleto ang kanilang TOURS! Mapa-lupa, lawa, at himpapawid!

Sakay ng Amore Bus, makakalibot mula LIMA Park Hotel patungo sa Devotion Site ng Marian Orchard sa Balete. Saka tutungo sa Amore Point na daungan ng dalawang yacht, ang Queen Fisher at Lady of the Lake. Dine magsisimula ang pagpalaot sa lawa at dadaong naman sa Lake Manakah sa may Mataasnakahoy na may viewdeck ng Taal Lake. Sikat ngayon na lugar ang Amore Point para sa mga Team Building Activities kung saan pwede ring  mag-boodle fight at manood ng napakagandang takipsilim. Malilibang ang buong pamilya at ang inyong mga kabarkada sa trekking sa Barrio Fidelis, pagbi-bisikleta, paddleboarding, kayaking, at archery.

Bukod sa Land Tour at Lake Cruise, may Sky Adventure din. Sakay naman ng Bell 505 na helicopter na isa sa mga pinakaligtas sa buong mundo, malilibot ninyo mula sa ere ang paligid ng lawa at ang mismong bulkang Taal.  Sumakay ang aming Lead Editor na Si Edz Manalo sa helicopter at abangan nyo dine ang kanyang vlog! 

Bahagi ng kita ng Batangas Lakelands ang pagpapalago ng ASEAN Unity Park sa Balete, isang botanical park na tatamnan ng mga sari-saring halaman ng Southeast Asia.

Dayo pa ang karamihan sa atin sa ibang mga lalawigan at sa ibang bansa, samantalang marami naman tayong pwedeng puntahan dine mismo sa Batangas.

Para sa mga katanungan o booking, bisitahin lang ang website na www.batangaslakelands.ph o mag-email sa tours@lakelands.ph

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.