Breaking News

JUST IN: Batangas records the first case of coronavirus

Isang COVID-19 case ang nairecord ngayon araw, ika-13 ng Marso, 2020 sa Probinsya ng Batangas ayon sa ulat ng Batangas PIO.

Announcement Summary:
– May isang confirmed case ng COVID-19 (NCOv o Corona Virus) sa Batangas City ayon kay Provincial Health Officer, Dra Rose Ozaeta.
– Handa ang Probinsya ng Batangas sa mga ganitong pagkakataon.
– Mayroong sapat na supply ng pagkain, petrolyo, kuryente at tubig ang Probinsya ng Batangas.
– Suspendido ang klase sa lahat ng antas mapa-pribado o pampublikong paaralan sa Buong Probinsya ng Batangas.
– Pinapayuhan ang lahat na patuloy na maging kalmado at ingatan ang kalusugan, pamilya at manatili sa kanilang mga tahanan.

Narito ang buong pahayag ng Probinsya ng Batangas:

“Taal ang pagpapala ng Panginoon sa Lalawigan ng Batangas. Kahit na mayroon nang isang confirmed case ng COVID-19 sa Batangas City, na ipinaalam sa akin ng ating Batangas Provincial Health Officer, Dra. Rose Ozaeta, kagabi lamang, at kahit na si Pangulong Duterte ay nag-utos na ang Metro Manila ay nasa Community Quarantine, at kahit pa ang buong mundo ay inihayag ng Word Health Organization na biktima ng coronavirus, tayo sa Batangas ay handa at kakayaning harapin ang sakunang ito, kapares na rin ng ating ginagawang pangangalaga dahil naman sa pagputok ng Taal Volcano at pag sisimula ng Africran Swine Fever sa Bayan ng Laurel.

Ang Lalawigan ng Batangas ay hindi lang sapat sa pagkain, tayo parin ang inaasahang mag supply ng tilapia, manok, baboy, baka, at iba pang pagkaing pang araw-araw, hindi lamang ng Metro Manila kundi iba pang bahagi ng Pilipinas, 60% ng gasolina, diesel, kerosene, aviation gas, bunker ay dumadaloy mula sa Batangas para sa buong bansa. Ganoon din ang kuryente, Batangas pa rin ang most powerful province. Kaya nating bigyan ng kuryente ang buong Metro Manila o kalahati ng buong Luzon. Biniyayaan tayo ng Maykapal  ng saganang pagdaloy ng sariwang tubig. Mayaman ang ating mga lupain at masipag at magiting ang mga taga Batangas.

Ganoon pa man, kailangan din naman na tayo sa Batangas ay mas mag-ingat sa mga panahong ito. Ang kapakanan ng ating mga kalalawigan ay lalo pa anting itaguyod, lalo na ang ating mga kabataan. Kaya’t suspended muna ang pagpasok sa lahat ng paaralang – Mababa, Mataas, Colegio, Pamantasan – sa buong lalawigan ng Batangas simula sa araw na ito hanggang katapusan ng buwang ito, Marso.

Subalit hindi maaaring itigil ang paglilingkod ng mga nasa Pamahalaan, kaya susundin ang mga pag-uutos ng Pangulo, at iba pang pambansang kagawaran, lalo na ang Civil Service.

Mag-ingat lagi sa kalusugan , subalit huwag labis na mangamba, para maging laging panatag ang pamilya at ang ating kapaligiran. Manatiling may pananampalataya sa tulong at awa ng Paninoon, kakayanan ng ating mga lingkod bayan, pagkakaisa at tulungan ng buong lalawigan at buong bansa, at manatiling may malasakit at pag kalinga sa kapwa.

Tayo sa Batangas ay isang Sambayanan Maka-Diyos, Makakalikasan, Maka-Tao, at Makabansa, Magiting!”

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

National Food Showdown Flaunts Batangueno Cuisine, Pushes for Local Delicacy Innovations

University of Batangas- Lipa Campus hosted the 15th National Food Showdown (NFS) with a theme …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.