Pinangunahan ng Bato Balani Foundation Inc. ang matagumpay na paglulunsad ng BBEST Bato Balani E- Learning System Training kung saan nagbibigay sila ng GENYO server based E-Learning Package sa tulong ng Diwa Learning System Inc at First Asia Institute of Technology and Humanities.
Ayon nga kay Dr. Brian Vincent L Belen, ang pangulo ng Bato Balani Foundation, Inc. nais nilang makatulong upang mapalawig at mapayabong ang hinaharap na kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng kanilang mga education development programs. Isa ang paggamit ng teknolohiya sa adbokasiya ng BBFI.
Sampung eskwelahan sa iba’t ibang parte ng lalawigan ng Batangas ang nabigyan ng libreng BBEST Packages na maswerteng napili ng Bato Balani Foundation, Inc na malugod namang tinanggap ni Dr. Diosdado M. San Antonio ang Regional Director, DepEd Region IV-A sa ngalan ng bumubuo ng mga napiling eskwelahan.
Naglalaman ang bawat BBEST Package ng :
- 40 Yopad tablet devices (+10 spares)
- 1 Digital Station storage and charging cart
- Server for access on premises to the Genyo Learning Management System + Content
- Laptop
- Flat Screen TV
- Teacher Training
Sinusuportahan din ang naturang programa ng ating kagalang galang na Gobernador Hermilando Mandanas at nagpakita rin ng mga hakbang na ginagawa ng gobyerno upang matulungan ang ating mga guro at mag aaral. Nag aasam na marami pang matutulungan at mabibiyayan ng BBEST packages ang Bato Balani Foundation, Inc sa hinaharap.