Breaking News

Center of Attention

“For where your treasure is, there also will your heart be” (Lk 12:34). Si Ritchie Fernando ay isang Pinoy na nag-volunteer magmisyon sa Cambodia. Nag-alaga siya ng mga batang may kapansanan dahil sa pagkaputol ng kanilang mga paa likha ng land mines. Isang araw sa village na pinagtitipunan nila ay may naghagis ng granada sa gitna ng mga bata. Nang mapansin niya ito, dinamba niya ang granada at dinapaan kung kaya sumabog ito sa kanyang katawan ng nagsilbing sanggalang para maligtas ang mga batang kanyang pinaglilingkuran. Hanggang sa kasalikuyan ay nakatatak pa sa sahig na pinangyarihan ng pagsabok ang pagkawasak. Subalit sa sahig na iyon ay isang buhay ang iniaalay upang maligtas ang mas maarami. Ang galing ng Pinoy. Makulay ang kanyang misyon.

Paano niya nagawa iyon? May napakalalim na dahilan. Ayon sa kanya habang ginagawa niya ang pagkalinga sa mga kulang-palad na mga bata: “I know where my heart is – it is with Jesus!” Yun ang malinaw. Alam niya kuang saan nakasentro ang buo niyang buhay. Si Hesus ang lahat sa kanya kaya niya nagawa ang gayong kadakilang pagsasakripisyo. Sino nga ba ang center ng buhay mo?
Ano ba o alin ba sa buhay mo ang itinuituring mong kayamanan? Doon nakasentro ang loob at isipan mo. Doon ang attention mo. Totoo nga: ‘”For where you treasure is, there also will your heart be” (lk12:32). Kasi ang sentro ng iyong attention ay siya ring sentro ng iyong intention. Lahat energy mo, lahat ng efforts mo, lahat ng pagsisikap mo at panahon mo ay doon mapupunta. Maaring ito ay pera, tao, career, bisyo, o anumang uri ng addiction.

Madaling sabihing si Hesus ang iyong Diyos. Pero sa totoo lang, kung sino at kung ano ang kumokontrol at nagpapalakad sa isip at damdamin at buhay mo…iyon ang iyong diyos, iyon ang iyong itinuturing na yaman, iyon ang lagi mong pinagtutuunan ng iyong attention.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

No comments

  1. Ang galing mo Mr. Ritchie Fernando. Hanga at proud ako sa ginawa mo. Sa nagpost nito thank you kc dapat lang na malaman nang lahat na dahil sa diyos ang buhay ay may pag asa at cia ang sentro nang ating buhay.. =))

  2. Ang galing mo Mr. Ritchie Fernando. Hanga at proud ako sa ginawa mo. Sa nagpost nito thank you kc dapat lang na malaman nang lahat na dahil sa diyos ang buhay ay may pag asa at cia ang sentro nang ating buhay.. =))

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.